Showbiz News

EXCLUSIVE: Martin del Rosario sa pagganap sa 'Jesus His Life': 'Gustung-gusto ko ang role na Judas'

By Dianara Alegre

a espesyal na programang handog ng GMA Network ngayong Holy Week ay masusubaybayan ang eight-part series na “Jesus His Life.”

Kabilang dito ang “Jesus His Life: Judas,” kung saan bibigyang boses ni Kapuso actor Martin del Rosario ang isa sa 12 na disipulo ni Jesus Christ at ang nag-traydor sa Kanya kapalit ng salapi.


Ito rin ang unang dubbing experience ni Martin at ayon sa kanya, “Kinabahan ako nu'ng una kasi siyempre first time kong mag-dub.

“Sa TV kasi, 'di ba, parang hindi masyado ibibigay sa boses kasi uma-acting na 'yung mukha mo. So, parang may self-doubt na OA ba 'yung ginagawa ko.”

Sabi pa niya, “Bago ito sa akin at sana ma-explore ko din minsan. Malay mo, next time maging dubber pala ako."

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi ng aktor na mas mahirap umano ang mag-dub kaysa umarte sa harap ng camera.

“Siguro ito 'yung pinakamahirap for me kasi ilang years na ako nag-a-acting sa TV. Tsaka mas sanay ako 'yung sa 'pag sa TV mas relax lang,” lahad niya.

Dagdag pa ni Martin, “Depende sa medium, sa totoo lang, e. Kasi 'pag film, more subtle mas maganda kasi napakalaki ng screen.

"Sa TV naman depende, mas maganda 'yung natural mo siya ibabato depende na lang kung kontrabida kang multo.”

Dahil ang "Jesus His Life: Judas" ang kanyang unang dubbing project, inamin ni Martin na nahirapan siya pagbato ng mga linya dahil kasabay ng pagbigkas ng lines ang pagbabasa ng script.

“Dito sa dubbing kasi may ibang actor, e. Susundan mo lang 'yung boses with timing. Tapos gustuhin ko man umarte sa mukha, pero ang hirap kasi nagbabasa ka ng lines, tapos 'yung boses mo ina-acting mo.”

Gayunman, sinabi ng aktor na masuwerte siyang ang karakter na Judas ang naging role.

“Suwerte ko na si Judas 'yung napunta sa akin kasi interesting ang character ni Judas kasi 'di bas a pagkakaalam natin siya 'yung nag-traydor kay Jesus kapalit ng silver coins.

“Kasi kung gagawin ko 'yung role sa TV, wow! Gustung-gusto ko ng role na Judas at napakarami nang roles na ganyan ang nagawa ko sa TV,” aniya.

Mapapanood ang “Jesus His Life: Judas” sa Good Friday, April 10, 5:00 p.m sa GMA-7.

Nawa'y maging mapayapa inyong mga tahanan ngayong Holy Week sa tulong ng mga programang handog ng Kapuso network.


EXCLUSIVE: Sanya Lopez, naiyak habang nagda-dub ng 'Jesus: His Life'