Showbiz News

Alfred Vargas, pinasalamatan sina Dingdong Dantes, Aiai Delas Alas, at iba pang artistang nagbigay-tulong

By Aaron Brennt Eusebio

Taos-pusong pasasalamat ang iniabot ng aktor at Quezon City representative na si Alfred Vargas sa kanyang mga kaibigan sa showbiz na nagbigay ng tulong sa kanilang lungsod.

Sa kanyang video sa Instagram, pinasalamatan ni Alfred ang mga nagbigay ng donation para sa kaniyang distrito.

“Gusto ko pong magpasalamat ang mga kaibigan ko na mula sa larangan ng show business na hiningan natin ng tulong at agaran po silang nagpakita ng taos-pusong suporta,” mensahe ni Alfred.

Ayon kay Alfred, magagamit ang cash donations mula sa mga kapwa niya aktor sa house-to-house feeding program para sa 5th District ng Quezon City.

"We see true bayanihan efforts here and this is such good news in the middle of so many bad things happening," aniya."

Kasama sa pinasalamatan ni Alfred sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Aiai Delas Alas, Rocco Nacino at Melissa Gohing, Director Mark Reyes, Marvin Agustin, Diana Zubiri, Glaiza de Castro at Carmina Villarroel.

Kabilang din sa nagbigay ng tulong ang mag-asawang Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz, Direk Mac Alejandre, Carlene Aguilar, Dimples Romana, mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina, Patricia Tumulak, at Shaina Magdayao.

Just want to say thank you to the generous hearts from the showbiz industry who have helped our district!

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial) on

Humihingi rin ng donasyon ang GMA Kapuso Foundation para sa mga taong walang pangkabuhayan ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Luzon.

Upang mag-donate, bisitahin lamang ang GMANetwork.com/kapusofoundation/donate.