Showbiz News

Marissa Delgado balik drama

Si Ms. Marissa Delgado ay masaya sa bawa't role na ginagampanan niya. At dito sa ‘Ikaw Sana’, balik drama na naman siya. Text by Erick Mataverde. Photo by Mio de Castro. "Though matagal ko nang hindi nagagawa ito, I used to have these kind of roles, pero ngayon – okey, tikman ko ulit!" ang sagot ni Ms. Marissa Delgado sa amin nang makapanayam siya ng iGMA tungkol sa bago niyang show, Ikaw Sana. And being used sa ganitong klaseng genre, siya ay very excited to be back sa pagdra-drama. "Expectation ko maganda, of course I go with the flow," banggit ni Marissa. "Open ako sa lahat ng challenges and I believe in our director, Joel Lamangan. Hindi naman siya papayag kung hindi ma-meet yung timpla niya. At sa lahat ng kasamahan na artista ko dito." At ano naman ang pakiramdam niya sa pagganap sa papel ni Donya Amanda? "Siyempre, challenging – it has been a long time. Kahit na ito 'yung forte ko noon, iba-iba pa rin ang timpla, lalo ngayon iba naman ang panahon, so kailangan medyo sasabay sa panahon ngayon ang Donya," tugon ni Marissa. "Parang wala na ako nakikitang ganitong klaseng tao. Parang ang mga tao nagble-blend na." Dagdag pa niya that, "This character, puwede naman ako mag-exaggerate a little bit from reality, para talagang mukhang tunay na Donya talaga." Pero hindi pa rin lingid kay Marissa ang hiling ng mga tao sa bagbalik ng weekly comedy series nilang Ful Haus. "Sana! Ang daming naghahanap, maging ako sa kalye pag lumalabas ako, sasabihin sa akin, 'Ma'am, ang Ful Haus! Pinagpupuyatan namin kayo. Paano ‘yan, wala nang Ful Haus, hindi na namin makikita lumaki ang apo ninyo.', ang kuwento ni Marissa, "'Yan ang mga comment ng viewing public. Tingnan natin at sana kasali ako, ‘yun ang importante dun!" Huwag palampasin ang lalo pang gumagandang mga eksena ng Ikaw Sana bago mag 24 Oras! Pag-usapan ang Ikaw Sana. Mag-log on na sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!