What's Hot

Naka-quarantine, kanya-kanyang pakulo sa birthday

By Dianara Alegre
Published April 2, 2020 11:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

quarantined birthday parties


Kahit naka-quarantine, ipinagdiwang pa rin ng publiko ang kanilang kaarawan.

Binuno ng mga residente ng Luzon ang dalawang linggo ng March na napirmi lamang sa kani-kanilang mga bahay dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine noong March 17.

Siyempre pa, marami rin ang nagdiwang ng kanilang mga kaarawan kahit pa naka-home quarantine.

Bagamat hindi katulad ng nakasanayang birthday parties, nakagawa pa rin ng iba't ibang pakulo ang netizens para ipagdiwang ang kanilang espesyal na araw.

Mayroong hindi pinalagpas ang pagsusuot ng gown kahit pa nasa loob lang ng bahay.

Mayroon ding ginawan ng paraan para makapaghanda ng mga karaniwang birthday putahe para mas ma-feel ng celebrant ang mahalagang araw.

Samantala, dahil nga hindi makalabas sa mga bahay, idinaan na lang muna ni Kapuso reporter Oscar Oida sa video party ang kanyang birthday kasama ang kanyang mga katrabaho at kaibigan sa industriya.

Iba't ibang diskarte man ang pagse-celebrate ng birthday habang naka-quarantine ngayon, iisa naman umano ang wish nila--ang malagpasan ng mga Pilipino ang krisis na dulot ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Panoorin ang buong 24 Oras report:


Filipino celebrities who spend their birthdays during the enhanced community quarantine period

Iwas-bagot challenges, nagsulputan online

Naka-quarantine, posibleng makaranas ng cabin fever - psychologist