Ano ba ang mga interesanteng mga snaps na ibinahagi ng mga artista ngayong linggo? Narito ang isang social media roundup ng mga paborito ninyong celebs!
Kamukhang-kamukha ni Marian Rivera ang kanyang anak na si Zia, lalo na sa childhood photo na ibinahagi niya.
Binalikan ni Rhian Ramos ang mga props, paghahanda, at iba pang pinagdaanan ng kanyang MMFF film na 'Saving Sally.'
Nami-miss na raw ni Rob Moya ang paglabas sa Bubble Gang. Kasalukuyan siyang napapanood sa GMA Telebabad hit na Alyas Robin Hood.
Excited na si Kylie Padilla para sa pagsisimula ng blog ng kanyang pinsang si Lexi Fernandez.
Ipinasilip ni Ashley Ortega ang kanyang debutante gown. Mula ito sa Viktoria Couture na gumagawa din ng mga damit para sa mga figure skaters.
Ibinahagi ng longtime boyfriend ni Boobay na si Kent Juan Requir ang kanyang kasiyahan sa patuloy na paglakas ng komedyante. Nagkaroon ng mild stroke si Boobay at halos dalawang linggong na-ospital.
Kapansin-pansin ang kakaibang workout clothes ni Heart Evangelista!
Ibinahagi ni Kim Domingo na mayroon siyang upcoming TV commercial na dapat abangan.
Hindi natiis ni Arianne Bautista ang kanyang gutom at lumabas para mag-merienda kahit hindi pa tapos mag-ayos.
Na-inspire si Glaiza de Castro matapos makatanggap ng Encantadia fan art.
Nag-bakasyon naman sina Mark Herras and Wyn Warquez sa Boracay.
Patuloy naman ang bonding ng mga Meant To Be stars na sina Barbie Forteza, Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at Addy Raj.
Nag-attend ng charity ball ng I Want To Share Foundation sina Jak Roberto at Klea Pineda.
Nagulat naman si Katrina Halili nang makita ang mga drawing ng kanyang anak na si Katrence sa likod ng kanyang mga scripts.
Nagbiruan naman sina Gabby Eigenmann at Dingdong Dantes habang nasa debut ni Gabbi Garcia.