Showbiz News

Pops Fernandez, designer Avel Bacudio, may DIY face mask tutorial

By Dianara Alegre

Dahil mahirap makahanap at makabili ng mga face mask sa kasalukuyan, magkatuwang na naghandog sa publiko sina Centerstage judge Pops Fernandez at designer Avel Bacudio ng DIY face mask tutorial online.

Mapapanood sa Facecook live kung paano gumawa ng homemade face mask gamit ang mga pinaglumaang panyo at underwear.

Pero bago ang lahat, kailangan munang labhan o i-disinfect ang tela.

“It has to be washed very well, disinfected,” sabi ng singer/host.

“Kung pwedeng, i-bleach, i-bleach po natin, para sigurdong mamatay ang mikrobyo,” dagdag ni ni Avel.

Narito ang kanilang DIY face mask tutorial:

Iginiit naman ni Centerstage judge na mga nabanggit ay for home use.

“In the meantime, habang wala po kayong mabili na mask, kasi 'mahirap nga hanapin kasi ginagamit po siya sa mga hospital, so this is for your home use,” ani Pops.

Nanawagan din ang designer na unahin ang frontliners pagdating sa mga ganitong medical equipment.

“Unahin po natin ang frontliners at 'yung mga nasa ospital. Minsan po kasi nagrereklamo na tayo kasi wala po tayong mabili sa mga iba pero intindihin na lang rin po natin nab aka kinuha ng hospital.

“So mas kailangan po natin na gumawa na lang ng sarili natin,” aniya pa.

Panoorin ang buong ulat ng 24 Oras:

Related:

Pops Fernandez advises public: "'Wag po tayo mag-panic."

EXCLUSIVE: Pops Fernandez as a 'Centerstage' judge: "I'm going to be an honest, nice judge to the kids"