Showbiz News

Ara Mina, wala nang pakialam sa mga intriga

Si Ara Mina ay patuloy na nagbibigay buhay sa mga umaatikabong eksena sa ‘Tinik Sa Dibdib’. At tulad ng karakter niya sa istorya, makulay din ang takbo ng kanyang buhay at career. Text by Erick Mataverde. Photos by Mio de Castro and Jason John S. Lim. Nang makapanayam ng iGMA si Ara Mina kamakailan, siyempre, tinanong namin kung may mga Tinik Sa Dibdib ba siya sa totoong buhay. At pabiro naman niya kami sinagot. "Marami, tinanggal ko na siya isa-isa. [Mga] marka na lang. Wala namang ganun talaga sa life," tugon niya. Ang totoo ay very contented na si Ara sa mga pangyayari sa buhay niya lalo't sunod-sunod ang mga successful shows niya from Dapat Ka Bang Mahalin at ang current Dramarama sa Hapon show niya. "I am very happy, actually ine-enjoy ko ‘yung pagiging tahimik ng buhay ko lately. Pero siyempre hindi pa rin natin maiiwasan pag may mga issues. Parang, ano na lang, deadma na lang," salaysay niya. "Kasi alam ko naman sa sarili ko na I'm happy with my life, I'm happy with my special someone. So wala lang deadma lang. Hindi na nag ma-matter ang mga issues." Ikinuwento din ni Ara na tuwang-tuwa din siya sa kapatid niyang si Christine Reyes na kamakailan din ay napagusapan na hindi daw sila nagkakasundo. Ngunit matapos ang bagyong 'Ondoy', matatandaan naman natin sa kina Ara pansamantala tumira si Christine. Of course, alam din naman natin na umaani din ng malaking tagumpay ang nakababatang kapatid sa panibago niyang pelikula, Patient X. "She's doing good lately, puro work siya. I am very happy for her at successful na din siya. About the issues? Luma na 'yun!" banggit ni Ara. "Wala na sa vocabulary ko ang mag-sermon. Alam na niya yung tama at mali. And nobody is perfect naman eh. Lahat ng tao nagkakamali. And pag nagkamali, bangon ulit. Kailangan mo maka-experience ng failure bago ka maka experience ka ng success. And ito [ang] natatamasa na niya ngayon." Pati na din sa mga issues ng pagpapa-seksi ni Christine ay dinismiss din ni Ara, dahil kakaiba na din para sa kanya ang konsepto nito. "Ngayon ang pagpapa-sexy, more dinadaan sa pictorials eh. You can do most R-18 movies na," kuwento niya. "Wala na ‘yan – sa mga indie movies puwede ka gumawa, but kailangan may istorya. Wala na ‘yung panahon namin na every week may mga palabas na sexy films." Ano naman ang masasabi niya sa panibago niyang hamon dito sa Tinik Sa Dibdib? "Goodbye Glacilda and hello Tricia!" ang deretsahang sagot lamang ni Ara. Kaya huwag kaligtaan panoorin tuwing hapon ang mga madramang istorya sa Tinik Sa Dibdib pagkatapos ng Kaya Kong Abutin Ang Langit! Pag-usapan si Ara sa Tinik Sa Dibdib sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here!