Kilalanin ang mga artistang bubuo sa Philippine version ng hit Koreanovela na 'My Love From The Star' sa gallery na ito.
Gaganap bilang Steffi at Matteo sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.
Ginanap ang story conference para sa naturang teleserye nitong Biyernes, December 9.
Excited na si Ultimate Star Jennylyn Mercado na bigyang buhay si Steffi.
Ito ang unang sabak sa pag-arte ng international model na si Gil Cuerva.
Pagkatapos maging bahagi ng 'Sinungaling Mong Puso,' balik primetime ngayon si Glydel Mercado.
Muling mapapanood sa isang teleserye si Jackie Rice.
Kasama rin sa programang ito si Melissa Mendez.
Ano'ng role kaya ang gagampanan ni Renz Fernandez dito?
Muling makakasama ni Jen ang kasama niya sa 'Superstar Duets' na si Nar Cabico.
Ang 'My Love From The Star' ay sa ilalalim ng direksyon ni Bb. Joyce Bernal.
Abangan ang 'My Love From The Star' ngayong 2017 sa GMA Telebabad.