Showbiz News

Kapuso hunks JC and Akihiro pinasaya ang kanilang mga fans

Hindi inaasahan nina JC Tiuseco at Akihiro Sato ang pagdating ng maraming tao sa SM North Edsa to join their first-ever fans day. Kaya naman todo bigay ang dalawa sa kanila performances para sa kanilang mga tagahanga. Text by Loretta G. Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio Sa kauna-unahang fans day ng Kapuso hunks na sina JC Tiuseco at Akihiro Sato, pinasaya nila ng husto ang kanilang mga fans. Surprised pero sobrang thankful sila sa suporta na ipinakita ng kanilang mga fans na dumalo sa event. Bukod pa diyan, hindi nila alam na may mga surprise guests pa! "Masaya ako kasi nakikita ko 'yung mga fans na ganun pala kadami, lalo na kanina nung lumabas na ako. Sobrang happy ako na nandiyan sila para sumuporta. After a year na nasa showbiz ako, nandiyan pa rin sila to support me," ang pahayag ni JC sa iGMA.tv. And kasama sa mga nagpuntang mga tagahanga ni JC ay ang limang lucky Fanatxt subscribers ni JC na nagkaroon ng pagkakataon to meet the first Pinoy Sole Survivor back stage. Si Akihiro Sato naman ay obvious na nag-enjoy sa kanyang chance na makilala at maka-bonding ang kanyang mga fans. He even sang a Tagalog song (Tuloy Pa Rin) para sa kanila to prove that he’s really serious to learn the language and that he wants to stay here in the country. "Ang daming tao. This is my first time na magkaroon ako ng opportunity para maging sikat and it is amazing how they like me. That is why I want to be better so the people will like me more," ang paliwanag ni Akihiro sa amin. "My blood is not Pinoy pero ang puso ko 100 percent Pinoy," ang seryosong sabi ng Brazilian-Japanese model turned actor. Lalo pang sumaya ang dalawang Kapuso hunks when two of their friends showed up para suportahan sila. Maxene Magalona and Rufa Mae Quinto took time out from their busy schedules para suportahan sina JC and Akihiro, respectively. "Happy ako and thankful na nandito siya to support me. Happy ako na after ng soap namin sinusuportahan pa rin niya ako," ang nakangiting sabi ni JC. Magkatambal ang dalawang young stars dati sa afternoon soap na Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin. Si Akihiro naman ay lalong humanga kay Rufa Mae. Hindi lang isang kanta ang ginawa ng dalaga--dalawa pa! Syempre, this sexy lady brought the house down with her funny antics. "Syempre Aikihiro, my hero!" ang sabi ni Rufa Mae nang tanungin namin kung bakit todo suporta siya sa kanyang partner sa SRO Cinemaserye Presents Moshi Moshi I Love You. Idinagdag pa ng dalaga na naging close talaga sila ni Akihiro dahil sa show nila. "Sobrang nagpapasalamat kami sa lahat ng mga nanonood, dahil in fairness maraming nanonood. Thank you so much," banggit ni Rufa Mae as she and Akihiro invited everyone to watch SRO every Thursday night pagkatapos ng GMA Telebabad. Na-miss ninyo ba itong event na ito? Don’t worry, you can catch the exclusive webisode soon on iGMA.tv. Just keep logging on to this site for updates on your favorite Kapuso stars. At alamin ang latest tungkol kay JC from the hunk himself! Just text JCT(space)ON and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) Pag-usapan sina JC at Akihiro sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!