
Ang chairman ng YesPinoy foundation na si Dingdong Dantes ay gumawa ng paraan para makatulong sa mga nais magtrabaho ngayong enhanced community quarantine.
Ayon kay Dingdong para ito sa freelancers at naghahanap ng alternative na trabaho. "May home-based jobs din na 'no experience needed' at interview na pwedeng sa telepono lang."
Sa kanyang bagong post sa Twitter, ibinahagi niya ang ilang detalye tungkol sa kanilang pakikipagtulungan sa JobstreetPH at WorkAbroad.PH.
Ani ng Amazing Earth host, "@yespinoy is partnering with @JobStreetPH, @WorkAbroadph to promote available online jobs para sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho dahil sa crisis. So ang tanong-- PAANO? Heto po, pls follow the instructions on the photos at pwede rin kayo magtanong ngayon. #SanaOL"
Kasama sa kanyang tweet ay ang step by step procedure.
@yespinoy is partnering with @JobStreetPH, @WorkAbroadph to promote available online jobs para sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho dahil sa crisis. So ang tanong-- PAANO? Heto po, pls follow the instructions on the photos at pwede rin kayo magtanong ngayon. 😄#SanaOL pic.twitter.com/UeqULiPOkc
-- Dingdong Dantes (@dingdongdantes) April 6, 2020
Nagbigay-linaw rin si Dingdong sa mga ilang katanungan sa kanyang post.
Hindi :) Pero may mga part-time work din. Check the categories below:
-- Dingdong Dantes (@dingdongdantes) April 6, 2020
No work experience? https://t.co/EwuHsjYbGV
High school graduate? https://t.co/Ar8qFiJuV2
Want to work from home? https://t.co/wo4Z7XTHNF
A freelance gig? https://t.co/LGU9Aa1sdT #SanaOL
When i was browsing the other day, may mga naghahanap ng English teachers at very attractive ang offer. #SanaOL
-- Dingdong Dantes (@dingdongdantes) April 6, 2020
Technically, dapat legal age para makapagtrabaho. Pero may mga available jobs for K-12/ High school graduate. Just follow this https://t.co/Ar8qFiJuV2 #SanaOL 👍🏻
-- Dingdong Dantes (@dingdongdantes) April 6, 2020
Bukod sa kanyang proyekto sa YesPinoy, may inihanda rin si Dingdong para sa frontliners kasama ang ibang Kapuso stars. Kasama naman niya ang kanyang asawa na si Marian Rivera sa paghahanda ng pagkain para sa mga frontliners.
'Alyas Robin Hood' muling mapapanood sa GMA Network
Ang batang nagkakawag at Miss Bataan, may inspiring stories na ibinahagi sa 'Amazing Earth' | Ep. 94