Showbiz News

Rufa Mae kinikilig kay Akihiro

Maraming nakakapansin na maganda ang chemistry nila Rufa Mae Quinto at Akihiro Sato sa 'SRO Cinemaserye Presents Moshi Moshi I Love You'. Ano nga ba ang sikreto ng dalawang ito? Test by Loretta G. Ramirez. Photos courtesy of GMA Network Aminado si Rufa Mae Quinto na hangang hanga siya sa Brazilan-Japanese model na si Akihiro Sato. Nang tinanong namin ang comedienne/actress kung ano nga ba ang nagustuhan niya kay Akihiro, kinilig muna bago sumagot si Rufa Mae. "Eh di lahat! (laughs) Bukod sa physical, hmmm matalino siya. Akala ng iba, dahil sa Portuguese siya, so sa English at Tagalog nahirapan siyang mag-express [ng sarili], pero in fairness kahit hindi di niya nasasabi [ang gusto niyang sabihin] ‘pag kinausap mo siya, in fairness to him, may sense siya." Idinagdag pa ng aktres na naging malapit na sila sa isa't isa kaya naman maganda ang chemistry nila onscreen. In fact tinutulungan niyang mag-Tagalog si Akihiro. So ano ba ang feeling ng maging personal tutor ng Brazilian-Japanese co-star? "Minsan nga sinasabi ko sa kanya, puwede bang maningil?!? (chuckles)," ang pabirong sabi ni Rufa Mae. Inamin naman ng aktres na despite the daring and comic scenes nila sa SRO, hindi nila binibigyan ito ng kulay dahil alam naman ni Akihiro na may boyfriend na si Rufa Mae at engaged to be married na ito. So "walang malisya talaga" ang diin ni Rufa Mae. Pero siyempre aminado pa rin ang aktres na hindi niya na mapigilan ang paghanga niya sa model turned actor. "Kasi talaga, I think dahil bukod sa cute at sexy siya, alam din niya ang ginagawa niya. Kaya naman siya nandito sa Pilipinas at may career." Kaya naman todo suporta si Rufa Mae sa kanyang leading man. In fact nagpunta siya noong Fans Day ni Akihiro and performed two songs for him and the fans. At very vocal din siya na willing siyang maka-duet ang binata sa Celebrity Duets kung saan contender din si Akihiro, if he asks her to support him. "Oo naman bakit hindi...nagiisip pa kami ng kanta..Pag kami [nag-duet] may lifting pa...o di ba?!?" Sa pagtatapos ng interview nagpasalamat si Rufa Mae kay Akihiro at sa lahat ng mga sumusuporta ng show. "Ito pong SRO, 'yung effort na ginawa ko po ay parang pang pelikula, na ngayon ko lang ginawa sa telebisyon. So sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng nanonood. Thank you so much. Of course thank you din kay Akihiro, binigyan nya ako ulit ng inspirasyon na mailabas ko ulit ang another side of Rufa Mae. Nagkaroon din ako ng guwapong leading man, di ba? For a change (laughs). So, panoorin niyo po ang SRO Cinemaserye Presents Moshi Moshi I Love You pagkatapos ng GMA telebabad."
Pag-usapan ang tambalan ni Rufa Mae at Akihiro sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!