Showbiz News

Chariz Solomon at Betong Sumaya, nakiisa sa #KapusoProjectRiceUp

By Felix Ilaya

Inilunsad na ng GMA Artist Center ang #KapusoProjectRiceUp, isang proyektong naglalayong makalikom ng pondo para sa mga pamilyang nawalan ng kabuhayan dulot ng COVID-19 pandemic at enhanced community quarantine.

Kabilang sa mga Kapuso stars na nakiisa sa #KapusoProjectRiceUp ay ang mga komedyanteng sina Chariz Solomon at Betong Sumaya.

Bilang ina, hindi raw maiisip ni Chariz ang kaniyang gagawin kapag mawalan siya ng pagkaing maihahain sa kaniyang pamilya, kaya naman gusto niyang tumulong sa iba na kasalukuyan ay nasa ganitong sitwasyon.

"Nasa ating mga nanay 'yung duty ng pagde-decide kung anong next na uulamin at hindi ko ma-imagine 'yung wala akong iluluto or ipapakain sa aking pamilya.

"Kaya nag-participate kami sa project na ito ng GMA para hindi natin maparamdam kahit kanino at wala pong makaramdam ng gutom," aniya.

Hinihikayat ni Betong ang lahat na makiisa rin sa #KapusoProjectRiceUp upang masugpo ang krisis ng gutom sa panahon ngayon.

"Ibang krisis po ang kinakaharap natin at ibang krisis po ang gutom.

"Kaya ako po ay nanawagan sa lahat ng alliance nating mga Kapuso. Magsama-sama po tayong suportahan ang The Rice Up Project," wika ni Betong.

As of today, nakalikom na ang #KapusoProjectRiceUp ng mahigit 200 na sako ng bigas.

Para sa mga gustong mag-donate, sundan lamang ang link na ito.