Showbiz News

Ethel Booba verifies '@IamEthlyGabison' Twitter account as hers on previous KMJS interview

By Cara Emmeline Garcia

Trending na naman si Ethel Booba pagkatapos niyang i-deny kahapon, April 9, sa Instagram na ang Twitter account na “@IamEthylGabison” ay hindi pala sa kanya.

Kaya naman malaki ang pagdududa ng ilang netizens kung paano ito nangyari pagkatapos niyang i-verify ito sa ilang interviews noon, kabilang na ang panayam sa kanya ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Noong 2016, nakapanayam ng KMJS team ang comedienne pagkatapos niyang i-launch ang kanyang libro na may pamagat na #Charotism, na hango sa gay lingo na “charot” kung saan naging catchphrase niya sa nasabing Twitter account.

Sa interview, nabigyang liwanag ang isyu tungkol sa pagsagot ni Ethel kay Teddy Casino sa Twitter matapos punahin ng huli ang sagot ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang question and answer portion sa kompetisyon.

Ani Ethel noon, “Kasi 'pag nakatutok ka sa isang pinapanood mo tapos may nambubuwisit sa'yo, manggigigil ka--'yung buwisit ko sa kanya napunta.

“Siguro kaya talaga ako nabuwisit kasi kamukha niya 'yung ex ko, look alike talaga. 'Tas buwisit pa ako. Charot!”

Panoorin ang episode na ito:


Bago pa man i-deny ni Ethel ang Twitter account, umani na ng mahigit 1.6 million followers ang nasabing account.

Sa ngayon, ang Twitter username na “IamEthylGabison” ay 'di na makikita sa Twitter.

CHAROT: Ethel Booba is trending because of her hilarious tweets about Miss Universe 2018

Ethel Booba, trends on Twitter for political joke