
Bilang pakikiisa sa pagbibigay-pugay at pagkilala sa dakilang tungkulin ng mga frontliner para masugpo ang nakamamatay na 2019 coronavirus disease (COVID-19), sa labas ng GMA Network Center ay makikita ang mensahe ng pasasalamat sa mga Pilipinong nagsasakripisyo para sa kapakanan ng nakararami.
May nakalimbag na, “Thank you, frontliners. #HEROES,” ipinahayag ng pamunuan at ng lahat ng kasapi ng network ang kanilang taos-pusong paghanga sa katatagan ng mga tinaguriang modern heroes.
Samantala, tuluy-tuloy naman ang pagtulong GMA Kapuso Foundation sa mga frontliner, at sa mga labis na apektadong pamilya ng COVID-19 crisis.
Sa ilalim ng #LabananNatinAngCOVID19 campaign, naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa ilang mga pampublikong ospital sa Metro Manila.
Namahagi na rin ito ng thermal scanner at gloves para sa sundalong border frontliners.
Patuloy itong lumilikom ng pondo para sa medical supplies na ihahandog sa mga frontliners at mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang "Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19."
Kung nais n'yong mag-abot ng donasyon sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic, makipag-ugnayan lamang sa GMA-7 Kapuso Foundation o bisitahin ang Kapuso Foundation website.
Watch the full 24 Oras report: