What's Hot

Celebrity moms' 'Project: Alalay Kay Nanay' extends help to children with special needs

By Dianara Alegre
Published April 15, 2020 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IPC may duplicate functions of Ombudsman, DOJ —Palace
#WilmaPH accelerates slightly as it crosses Samar

Article Inside Page


Showbiz News

project alalay kay nanay by celebrity moms


Celebrity moms also aims to support children with special needs via 'Project: Alalay Kay Nanay' fundraising campaign.

Kamakailan ay naglunsad ang Kapuso celebrity moms na sina Chynna Ortaleza, Camille Prats, Iya Villania, LJ Reyes, at Chariz Solomon ng donation drive upang makakalap ng pondo na pambili ng supplies para sa mga baby na dalawang taong gulang pababa.

Kabilang din sa fundraising campaign ang aktres na si Isabel Oli-Prats.

Ayon kay Chynna, upang makatulong ay nagkaiisa silang magkakaibigan, na pare-pareho na ring mga mommy, na maghandog ng mga baby supplies dahil karamihan sa mga ipinamamahaging relief goods ay hindi baby-friendly.

“Ang dami-dami ng nagdi-DM sa 'min na, 'Help! Help!,' siyempre naiisip ko rin 'yung mga babies.

"Sabi ko, 'Shocks, baka gusto ng mga kaibigan ko to like bond together.

“At least may magawa kami as a group, 'di ba,” sabi ni Chynna.

Nitong Easter Sunday nila sinimulan ang call out for donations sa pamamagitan ng pagpo-post ng kani-kanilang social media accounts at paggawa ng official page ng “Project: Alalay Kay Nanay” fundraising campaign.

Ibinahagi rin ng grupo na natuwa sila dahil marami agad ang nagpadala ng tulong kahit isang araw pa lang nila nailulunsad ang proyekto.

“We were able to gather P67,500. That's just in one day. And at this point, we were still asking a lot of our mommy friends if they can continue spreading awareness of this fundraising,” ani Camille.

Ayon kay Iya, kasama rin sa beneficiaries ng kanilang fundraising ang children with special needs.

“We also want to help the children with special needs kasi, siyempre, they have other needs, they have medicines that they need especially at this time,” aniya.

Sa Sabado, April 18, ay magkakaroon sila ng Facebook live kung saan may mga guest mommy na magse-share tungkol sa pagiging buhay mommy.

Anila, ang naturang activity ay magsisilbi ring fundraising.

“'Yung mga guest namin, mayroon silang ise-share na mga sarili nila. 'Yung iba, cooking, 'yung iba cooking tips kung paano nila pagkakasyahin ang budget, and then workout,” dagdag pa ni LJ.

Alamin kung paano makapagdo-donate sa “Project: Alalay Kay Nanay” sa 24 Oras report:


LOOK: LJ Reyes and Paolo Contis's daughter Summer Ayanna celebrates first birthday

WATCH: Primo and Leon Arellano's mukbang video with Drew Arellano and Iya Villania

Chynna Ortaleza shares tips on how to deal with an infant's cough

Nathan, Nala, and Nolan join mom Camille Prats in TikTok video