Showbiz News

Ang hamon kay Bitoy

Isang malaking challenge for Bitoy ang manguna ng isang talent show na magpapakita ng mga kakaibang kakayahan nating mga Pinoy. Even if it meant na he had to give up his top-rating show, ang Bitoy's Funniest Videos (BFV), the talented comedian is actually happy with his new endeavor. "Hindi ako nalungkot. Ako pa nga 'yung pursigido na, 'Tara na, gumawa na tayo ng bago!'" kuwento ng comedian. "Kasi nung una, tinitingnan ko, two years lang ang tingin ko lifespan ng BFV. Pero umabot nga ng five years. So, sabi ko, it's time to do another show. Kailangan kasi mag-evolve ka, eh. Hindi puwedeng isa lang lagi ang ginagawa mo. 'Pag inabutan ka ng sawa ng tao, mahirap na." Ikinuwento pa ni Bitoy na originally hindi siya part ng creative team ng kanyang bagong show pero hindi daw niya talaga napigilan na hindi sumali: "Nung pagsali ko nga, dun na pumasok yung idea na puwedeng i-challenge 'yung isang contestant. Sabi ko, dapat may factor na parang patalbugan. May apat na bida at puwedeng mag-remain yung apat na yun. Pero mayroong atribida na puwedeng mag-challenge at pag nanalo ay sila na ang papalit na bida. Pero hangga't hindi ka nakakabog, nandun ka lang at palagi kang may P75,000. Puwede mong i-defend ang title mo for four consecutive weeks hanggang sa tanghalin kang 'Bida Best' at puwede kang manalo hanggang P300,000." Nilinaw naman ni Bitoy na hindi daw dapat malungkot ang mga followers ng BFV dahil hindi naman talaga nawala ang ilang elemento ng show na nagustuhan ng mga viewers. "Hindi namin inalis yung element ng BFV na wacky and wild na videos. Kaya noong una, inisip namin na baka video lang 'yung puwedeng pagbasehan. Pero hindi, eh, iba pa rin 'yung may element ng live. Kaya in-incorporate namin dito 'yung best of everything," dagdag pa niya. Kaya naman iniimbitahan ni Bitoy ang lahat ng mga Pinoy nandito man o abroad na sumali sa kakaibang talent show ng bayan, ang Bitoy's Showwwtime! Pagtatapos niya, "Kami lang ang show na pang-international, kasi sinakop na namin, eh. Hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Bukod doon, we went out of our way para kami na mismo ang maghanap ng mahuhusay na mga Pilipino. Bukod doon, mas malaki ang premyo. Mahirap kabugin ang premyong ipamimigay natin. So, saan ka pa pupunta, eh 'di dito na!"
Bitoy's Showwwtime airs every Saturday right after StarStruck V dito lamang sa GMA. Pag-usapan ang Bitoy's Showwwtime sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! At alamin ang latest tungkol kay Michael V. through his Fanatxt service. Just text MICHAELV(space)ON and send to 4627 for Globe subscribers. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) Or puwede ninyo rin siyang makausap nang personal sa iGMA Live Chat on November 24, from 2 p.m. to 4 p.m.!