Showbiz News

COVID-19 experience ni Howie Severino, mapapanood sa 'I-Witness' ngayong Sabado

By Cherry Sun

Isang special documentary ang ginawa ni Howie Severino para sa I-Witness kung saan mapapanood ang kanyang karanasan bilang isang COVID-19 patient.

Kinumpirma ni Howie sa pamamagitan ng isang article sa GMA News Online na tinamaan siya ng new coronavirus at nagpositibo siya sa COVID-19.

Mahigit isang linggong namalagi sa ospital ang batikang Kapuso broadcast journalist at sa kanyang confinement ay nakilala niya ang kanyang nurse na interesado rin sa paggawa ng documentary.

Ang kanyang nurse na si Gabriel Lazaro ang kanyang naging katuwang upang makalikom ng sapat na materyal upang ibahagi ang kuwento tungkol sa kanyang pakikipaglaban sa COVID-19 at ipasilip ang buhay ng frontliners na nakikipagdigma laban sa kinatatakutang sakit.

Bahagi ng isinulat ni Howie sa kanyang Facebook page, “'Ako si Patient 2828' is the product of this collaboration, the inside story of the pandemic's front lines inside isolation in a COVID hospital. It shows the tests done on Patient 2828, describes the agony of the unknown and then the joy of finally being able to go home.”

Sa parehong documentary, ibabahagi rin ang naging karanasan ni Iza Calzado na isa pang COVID-19 survivor.

Sa hiwalay na Facebook post, ipinasilip din ni Howie ang pinagdaanan niyang treatments habang naka-confine sa ospital.

“Hindi ko sukat akalain na darating ang araw na gagawin ko ang istoryang ito,” pag-amin mismo ng I-Witness host.

Ang kanyang special documentary na 'Ako si Patient 2828' ay mapapanood sa GMA ngayong Sabado, April 18, 4:05 P.M.

RELATED CONTENT:

Howie Severino admits seeing "visions of death" while battling COVID-19

Howie Severino, kumusta ang lagay ng kalusugan ngayong nagpapagaling mula sa COVID-19?

Howie Severino reflects on the new roles of recovered COVID-19 patients