Showbiz News

Arny Ross, may payo kung paano mananatiling positibo sa gitna ng pagsubok dulot ng COVID-19

By Aedrianne Acar

Hindi madali para sa lahat ang nararanasan nating mga kabi-kabilang problema dulot ng sakit ng COVID-19.

Kaya naman nag-iwan ng payo ang Bubble Gang star na si Arny Ross sa followers niya sa Instagram kung paano panatilihing maging positibo habang may kinakaharap tayong pandemya.

LOOK: Arny Ross and Franklin Banogon start preparing early for their dream wedding

Sa Instagram Story ng Kapuso actress, ibinahagi niya ang ginagawa niya kapag nakakaramdam siya ng sobrang stress.

Aniya, "An overload of negative or stressful thoughts can create a general sense of impending doom.

"But when I choose to state my gratefulness to God instead of focusing on a negative feeling, I often experience the weight begin to lift."


Bagamat apektado ang food business din nina Arny at kanyang fiancé na si Franklin Banogon, dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon, pinili nilang dalawa na tumulong sa pagbibigay ng milktea sa frontliners na nagbabantay sa mga checkpoint na nakakalat sa home province nila na Cavite.

"Lahat tyo pwedeng tumulong, sa paraang kaya natin. Maliit man o malaki, lahat yan importante.

"Nagsara lahat ng business namin, renta ng kada pwesto kung paano, hindi sigurado. Mga stocks na masisisira, mga bayarin na naka abang parin. Mahigit kumulang 40 na empleyado na iniisip din namin. Hanggang kelan? Walang nakakaalam.

"Iba-iba sitwasyon natin, lahat tyo may kanya kanyang problema. Pero hindi kami maka-upo at manood lang. We have to contribute, kailangan namin tumulong at maki-isa sa aming makakaya."