Showbiz News

Balikan ang mga Philippine urban legend sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'

By Bianca Geli

Minsan nang naitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang tinaguriang 'Mossy Forest' na dinarayo ng mga turista sa Compostela Valley at ang makasaysayang Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite.

Sa kabila ng natatanging ganda ng mga tourist attractions na ito, mayroon daw mga mahiwagang misteryo nacbumabalot sa mga lugar na ito.




Balikan din ang dancing sun, ang naghihimalang blue ray, at ang patay na diumano'y muling nabuhay. Iilan lamang ito sa mga kuwentong misteryo na tatak-KMJS. Ano nga ba ang paliwanag ng siyensya sa mga pangyayaring ito?