Showbiz News

GMA Kapuso Foundation, muling naghatid ng PPEs sa mga pampublikong ospital

By Marah Ruiz

Naghatid muli ang GMA Kapuso Foundation ng mga personal protective equipment o PPEs at pati pagkain sa ilang pampublikong ospital na patuloy na lumalaban sa COVID-19.

Salamat sa mga walang-sawang donors, nakapagbigay muli ang GMA Kapuso Foundation ng tulong sa Amang Rodriguez Medical Center, Rizal Medical Center, Caloocan City Medical Center, Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital at Jose Reyes Memorial Medical Center.

Kabilang sa mga naipamahagi ang 15,000 pares ng non-sterile gloves, 1,000 piraso ng washable PPEs, 1,000 piraso ng face shields at 250 loaves ng tinapay.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation sa mga donasyon ang Gardenia Bakeries Phils., Inc. at King Sue Ham & Sausage Co., Inc.


Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.


Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.