Showbiz News

International artists, nagdaos ng 'One World: Together at Home' online benefit concert

By Dianara Alegre

Ilang international artists ang nagsama-sama para sa isang online benefit concert na “One World: Together at Home” sa pangunguna ni award-winning singer Lady Gaga.

Sa pakikipagtulungan sa World Health Organization (WHO), inorganisa ng “Shallow” singer ang naturang online concert na dinaluhan ng kapwa niya mang-aawit kabilang sina Taylor Swift, Sam Smith, Elton John, at Paul McCartney.

Binigyang pugay rin sa programa ang sakripisyo at dedikasyon ng mga frontliner laban sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Bukod dito, umapela rin para sa donasyon sina dating US first lady Laura Bush at Michelle Obama.

Nagtapos ang concert sa madamdaming rendition nina Lady Gaga, John Legend, Celine Dion at Andrea Bocelli ng kantang “The Prayer.”

Umabot sa $127.9 million o Php 6.5 billion ang nalikom na pondo ng online concert. Mapupunta ito sa COVID-19 Solidarity Response Fund ng WHO.

Panoorin ang buong 24 Oras report: