Showbiz News

Carla-Geoff love team, suportado nina Gina Alajar and Rey PJ Abellana

Sa pagtatapos ng "Rosalinda," hindi dapat malungkot ang mga fans nina Carla Abellana and Geoff Eigenmann dahil mapapanood pa natin sila sa "SRO Cinemaserye Presents: Carinderia Queen." May bonus pa dahil this time around, suportado sila ng kanilang parents na bahagi din ng showbiz industry. Text by Loretta G. Ramirez, Photos courtesy of GMA Network Maganda ang mga reviews na nakukuha ng pinakabagong SRO Cinemaserye, ang Carinderia Queen. Featuring ang nakakakilig na tambalan ni Carla Abellana at Geoff Eigenmann, isang light romantic comedy ang kanilang story na lalo pang naging interesting dahil sa kasama nila ang kanilang real-life parents--ang batikang actress/director na si Ms. Gina Alajar na ina ni Geoff at ang '80s actor na si Rey "PJ" Abellana na ama naman ng young actress. "Magiging DI (dance instructor) ako dito nina Gina and Melanie Marquez, na nanay niya (Carla). Mag-best friend ‘yung dalawa (Gina and Melanie) diyan. Magkakagulo dahil may triangulong mangyayari so, riot 'yan," ang kuwento ng about his first project with his daughter. Direk Gina noted that this is not her first time to work with her son. "I've worked with Geoffrey, noong bata pa siya when I directed a youth-oriented program here in GMA. It's called Next. Pagkatapos, noong bata kasi siya, in and out 'yan. Kapag bumababa ang grades sa eskuwela, hinto. Kapag maganda ang grades, pasok ng artista." Idinagdag pa niya na she is very proud dahil malayo na ang narating ni Geoff as an actor. "Well, he is improving little by little, lalo na dun sa pagsasalita niya. Nag-improve na siya sa kanyang emotional responsibilities when it comes to acting," ang sabi pa ng award-winning actress. Pero inamin din ni Direk Gina that she still gives pointers to her son, lalo na ngayon that they are working together sa SRO. "Of course, inaalalayan ko siya nang konti and Direk Mac Alejandre is there to guide him also. But there are things also na gusto kong i-correct sa kanya na sinasabi ko na, ‘Anak, ganito ang gawin mo, ganyan.’ Kaya dalawa ang director niya," ang natatawang dagdag pa ng showbiz veteran and mom. Obvious na nage-enjoy sina Rey PJ at Direk Gina na makasama ang kanilang mga anak and kitang-kita ito sa mga episodes ng Carinderia Queen, kaya don't miss the remaining episodes Thursday nights, right after GMA’s Telebabad block. Pag-usapan ang family bonding nina Carla, Geoff at ang kanilang mga magulang sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!.
Alamin kung anong bago kay Carla! Justtext CARLA(space)ON to 4627 para sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)