Showbiz News

May pag-asa pa ba para kina Rosalinda at Fernando Jose?

Patuloy ang gulo sa pag-iibigan nina Rosalinda at Fernando Jose at ngayong uling araw ng 'Rosalinda,' may chance pa kaya na magkabalikan ang dalawa? Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S.Mauricio Sa huling linggo ng Rosalinda, nasaksihan natin ang ilang attempts ni Valeria sa buhay ng ating bida. Pero one good thing happened, nalaman na sa wakas ni Fernando Jose na ang kanyang kinikilalang ina ang utak sa likod ng lahat ng kaguluhan. Mapipigilan ba niya ang binabalak ng kanyang ina? Will he be able to win Rosalinda's heart again, ngayong nag-propose na si Alex Durantes ng kasal? Ilan yan sa mga tanong na sasagutin ng huling araw ng Rosalinda. At ngayong patapos ng ang prime time series, ano nga ba ang nararamdaman ng cast? Ano ang mami-miss nila once the show ends? Geoff Eigenmann "Siyempre, malungkot kasi matatapos na yung pinaghirapan namin. Pero happy rin ako kasi maganda naman yung naging resulta ng first team-up namin ni Carla. Maganda rin yung pagtanggap ng mga tao sa soap namin. Sana abangan ng mga manonood ang Rosalinda dahil marami pang mangyayari, marami pang drama. Dapat ding abangan kung mapupunta pa rin ba kay Fernando Jose si Rosalinda." Carla Abellana "The people, family ko ito. This is my first family in showbiz, in my career. I will miss everybody--all the people I have worked with, my co-stars, of course the staff and crew. I am very sad that we are ending already. Parang kailan lang, first taping day namin, tapos ngayon last taping day na pala. I will miss everybody. Sad talaga." Jomari Yllana "It started as a love triangle. It will end as a love triangle, meron magi-give way. Gusto ko 'yung ending, ma-drama siya. I will miss Direk Maryo. Sa cast pareho pareho lang tingin ko sa kanila, kinukulit ko lahat. Pero sa set, si Direk Maryo talaga." Sheena Halili "Hay naku lahat mami-miss ko. Si Papa Dick sobrang mamimiss ko. Sina Carla at Geoff kasi, nasaksihan ko ang lahat, oh di ba?" Roderick Paulate "Unang una ang mga artista, sila Sheryl, si Gary, Glydel, sila Sheena at Ayen. Pagkatapos kasi ng taping kasama ko sila, kumakain kami sa labas. Nag-shout out nga sila sa FB (Facebook) na nalulungkot nga sila dahil maghihiwalay na nga."
Ikaw, how do you feel sa pagtatapos ng Rosalinda? Share your thoughts sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!