Showbiz News

Kris Bernal, handa nang magpa-sexy

Halos laging spoiled rich girl ang roles na nakukuha ni Kris Bernal; and while she has portrayed roles na medyo mature ng kaunti, Kris says hindi pa rin nawawala ang kanyang cute girl image. But that's about to change sa pagpasok ng 'The Last Prince.' Text by Jason John S. Lim. Photos provided by GMA Talent Development Management Department. Let us start by listing down the roles of Kris Bernal. "Mayaman ako sa Dapat Ka Bang Mahalin?; All My Life, mayaman ako; sa Dyesebel, mayaman ako. Sa Zaido—" Kris tells us that most of her roles have been that of a rich girl. "'yung iba [naman], may kaya." Kaya sa pagpasok ng The Last Prince sa kanyang career, bagong challenge ang haharapin ni Kris: ang mag-portray ng mahirap. "Ito talaga, first time ko 'yung talagang mahirap na mahirap." Gaano kahirap? Kris says ito 'yung hirap na ultimo pagkain, wala! And if that's not enough of a challenge for Kris, na kahit sa totoong buhay ay may kaya rin ang pamilya, ito rin ang first time niya na magiging pa-sexy sa role niya. Just how sexy is something you can ask Kris yourself this coming December 8, when she logs on for her live chat with Aljur Abrenica. Pero definitely, it's not something you've seen Kris do before—not even in her movie Nandito Ako: Nagmamahal sa 'Yo. "E sa lahat ng ginawa ko, puro teenager ako e. Puro bata. So ngayon, kailangan talaga makita ng mga tao na [hindi na ako teenager]." Tawa ni Kris, "pero mukha akong teenager kasi." That said, inamin naman ni Kris na welcome sa kanya ang challenge na ito. "Kasi gusto ni Direk may bago, na hindi lang puro pa-cute, pa-tweetums. Gusto niya 'yung pinagnanasaan ako." And as soon as The Last Prince airs, talaga namang ibang Kris Bernal ang mapapanood ng mga tao. "Matindi talaga. Kumbaga ang daming pagbabago, sa acting, sa kilos, sa pananamit—everything." Pero if you really want a glimpse sa mga pagbabago, don't forget to log on to iGMA Live Chat on December 8, Tuesday, when she and Aljur answers the questions you've been wanting to ask! In fact, ready na si Kris to answer your questions! "Di ba nga, mahilig naman ako mag-visit sa mga forums?" Kris reminds us. "Mahilig akong magbasa ng mga comments; kaya lang, wala akong time mag-post. Parang kulang 'yung oras ko, parang ang dami kong gustong sabihin. So at least, ito, talagang may time na makakapagchat kami." So 'wag nang palampasin ang chance na ito! I-ready na ang inyong mga questions! The Last Prince comes to GMA Telebabad early 2010. Laging maging updated sa projects ni Kris! Just text KRISB (space) ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) Sumama sa mga haka-haka patungkol sa bagong image ni Kris sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!