Showbiz News

Shaira Diaz, namahagi ng mga PPE at meals sa frontliners

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Shaira Diaz ang update sa kanyang ginawang initiative para sa frontliners.

Sa kanyang YouTube channel, ipinakita niya ang kanyang dinalang packed meals para sa health workers.

Ito ay nagmula sa kanyang ginawa na fundraiser kasama ang ilan sa kanyang malalapit na kaibigan na pinangalanan nilang BBs For A Cause.

Shaira Diaz and friends raise funds for frontliners

Nagpasalamat din siya sa mga naghatid ng tulong sa kanilang campaign.

Aniya, "Gusto ko lang pong magpasalamat once again sa lahat po ng nag-donate. Actually ito pong ginawa namin, nag-fundraising po kaming magkakaibigan, kaming magkakabarkada. May ilan rin po na unknown na nag-donate sa amin na hindi namin kakilala at hindi rin nagpakilala."

Dagdag pa ni Shaira, maliit man na amount ay marami silang napaghatiran ng tulong.

"Maraming salamat po sa inyo. Kahit na maliit na amount lang 'yung aming nalikom pero ang dami naman pong natulungan, ang daming napuntahan."

Ibinahagi rin ni Shaira ang protective gear na kanilang na-produce.

"Nakapag-produce kami ng 33 PPEs, 50 face masks, 50 rin na face shields na binigay po namin sa Las Pinas General Hospital. Malaking bagay na po 'yun kasi kulang po tayo sa ating mga protective gear."

Kinuwento rin ni Shaira ang mga pagkain na kanilang ipinamahagi sa frontliners.

"'Yung natira po run sa aming fund ay ipinamili namin ng pagkain po sa ating mga frontliners so this time, binigyan naman po natin 'yung mga nasa office na nagtatrabaho at meron din pong mga sundalo, mga barangay tanod."

Bago pa magtapos ang kanyang video ay ibinahagi niya ang kanyang naging realization sa kanilang ginawang pagtulong.

"Marami pong napapasaya ang mga donations niyo po. Masasabi ko na-realize ko na masarap tumulong kahit sa maliit na paraan, sa maliit na bagay.Masaya na makita ko na masaya sila na napapasaya ko sila."

Dagdag pa ng Kapuso actress, "Ginawa po namin ito para maka-inspire rin po sa iba na tumulong in their own little ways."

Panoorin ang kabuuan ng kanyang video: