Showbiz News

Ormor City Mayor Richard Gomez hinihikayat ang nasasakupan na mag-backyard farming

By Dianara Alegre

Ipinamalas ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ang ganda ng buhay probinsya sa kanyang bagong video kung saan ipinakita niya ang kanyang backyard garden.

Hitik sa tanim na kamatis ang garden niya at mayroon din siyang mga alagang pabo, gansa at manok sa kanyang bakuran.

Bida sa video, na kinunan ng unica hija niyang si Juliana Gomez, ang aktor habang namimitas ng mga tanim niya.

Ang mga bagong pitas na kamatis ay ginamit niya agad na sangkap sa iniluto niyang Linguine pasta.

β€œYou know what's nice with this? 'Yung mga fresh tomatoes, you can make them to pasta sauce with basil. Tomato ang basil sauce,” sabi ni Richard.

Aniya, ang video ay para hikayatin ang publiko, partikular na ang kanyang nasasakupan, na magtanim na sa kanilang bakuran lalo na ngayong may enhanced community qauarantine.

Dagdag pa niya, makakatulong ang pagtatanim upang may mapagkunan tayo ng mga gulay ngayong may enhanced community quarantine.

Isang post na ibinahagi ni Richard Gomez πŸ‡΅πŸ‡­ (@richardgomezinstagram) noong

Maganda at malinaw ang mensahe ng video na kinunan at in-edit mismo ni Juliana.

β€œIt's easy because I do as I'm told. So that yields good results for him and his videos,” aniya.

Mylene Dizon at Kyline Alcantara, may backyard farming strategy ngayong quarantine

IN PHOTOS: Celebrities who enjoy farming and gardening life