Showbiz News

Heart, nagselos sa foreigner na ka-eksena ni Richard

Last Sunday sa "Showbiz Central," inamin si Heart Evangelista na nagselos siya sa isang artista na ka-eksena ni Richard Gutierrez during their shoot sa Prague para sa latest Telebabad offering ng GMA, ang “Full House.” Alamin kung ano ang tunay na nangyari. Text by Loretta Ramirez, Interviews from “Showbiz Central.” Photos courtesy of GMA Network. Aminado si Heart Evangelista na habang nasa Prague, Czech Republic sina ni Richard Gutierrez to shoot scenes para sa Full House, nagselos siya ng husto sa isang Czech actress/model na ka-eksena ng aktor. Natatawang kinuwento ni Heart sa Don't Lie to Me host na si John “Sweet” Lapus at sa mga viewers kung ano ang pinagmulan ng selosang ito. "Kasi umpisa, sabi ni 'Chard, 'Uy Heart, sabay tayo kain ha?’ at saka lagi kaming close ‘pag taping. Siyempre [may] friendship na din kami," ang simula ni Heart. "Tapos may dumating na isang 5'11” na Czech model, na blonde at 10 minutes lang nag-make-up, light lang [ang make-up], glitters lang, 'yun lang 'yun,” ang naiinis pero natatawang sabi pa ni Heart. “Mamayang konti, kumakain ako, aba wala na akong katabi! Tapos tiningnan ko si 'Chard, ayun na! Nagho-holding hands na [sila]. Lumalakad na doon papuntang simbahan. Sabi nga ni Direk [Mark Reyes], kunyari nagseselos ka...'wag kang iimik," ang pagtatapos na kuwento ng aktres. Richard’s version Umapila naman si Richard kay Sweet at sa mga manonood ng Showbiz Central by telling his version of the story. "Ang totoo nyan, may eksena kami noong Czech model, e cobblestones kasi 'yung lalakaran at naka high heels 'yung model. Eh madadapa [siya], kailangan kong alalayan. Kailangan kong hawakan 'yung kamay, dahil madadapa. Alangan namang pabayaan ko 'di ba?" Pero giniit naman ni Heart na hindi totoong naka-high heels ang Czech model, kung hindi naka-flat shoes lang! At dahil dito natatawang tinanong naman ni Sweet kung paano ba bumawi si Richard kay Heart at siyempre kung paano ba sila nagkabati? "In fairness naman kay 'Chard, pinasan ako ni Chard kasi pagod na pagod ako, Dahil kung si 5'11” naka flats ako naka super high heels sa cobblestones, so sumasakit na binti ko. Kinarga naman ako ni 'Chard galing sa dulo ng bridge hanggang sa kabila. Dun naman siya bumawi.," ang nakangiting sagot ni Heart. In the end, nagtawanan na lang ang dalawa habang inaalala pa ang mga nangyari sa kanilang experiences sa ibang bansa. One thing is sure though, Richard and Heart had a blast at tiyak na makikita natin ang chemistry nilang dalawa sa Full House, weeknights sa GMA Telebabad block. "Sana mapanood ninyo yung Full House," anyaya ni Heart na gumaganap bilang Jessie sa Koreanovela remake. Sinundan naman ito ng inviation ng ating Pinoy Justin. "Ito ang aking first romantic comedy on TV so sana po tutukan ninyo. It is going to be very exciting and you're going to have a lot of fun watchng Full House.
Pag-usapan ang Full House sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! Laging maging updated sa projects nina Heart at Richard! Just text HEART or RICHARD (space) ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)