Showbiz News

Jon Lucas, hanga sa pagpapalaki ni Manny Pacquiao sa kanyang mga anak

By Jansen Ramos

Napatunayan ng Descendants of the Sun actor na si Jon Lucas ang kabaitan ng pamilya ng boxing legend at senador na si Manny Pacquiao ngayong panahon ng COVID-19 crisis.

Ito ay matapos pahintulan ang 24-year-old Kapuso star na gamitin ang musikang composed at produced ng 18-taong-gulang na anak ng Pambansang Kamao na si Michael para sa sinulat na dalawang kanta ng una na pinamagatang "'Wag Kang Matakot" at "Modernong Bayani." Hango ang mga ito sa mga hamon ng naturang coronavirus disease.

Hello po sainyong lahat! May sinulat akong kanta para sa aking mga Kaibigan at KAPATID na lubos na naapektuhan ng mga pangyayaring ito sa mundo. Sa ganitong paraan sana makatulong kami sainyo, hindi man kami makapag abot ng inyong pangangailangan. Pero bilang kaisa ng Pamamahala nais namin na patatagin pa ang inyong loob. ❤️☝🏼 Pagpasensyahan niyo na po ang aking BOSES, pati ang TONO! Pero pangako mula po yan sa puso ko 😊 Yung Music galing po kay @pacquiao.michael ☝🏼

A post shared by Jon Lucas (@lucas_aljhon) on

Muling nakalikha ng Isang awit para sa ating mga Frontliners. Para sa mga MODERNONG BAYANI na walang pag-aalinlangan na nagsasakripisyo at naglilingkod para sa Bayan! Maraming salamat po sainyo! Itong awit na ito ay mula po sa aking puso. Bilang Kababayan niyo alam ko ang hirap niyo sa araw araw. Sana makatulong po sainyo sa ganitong paraan. • • Salamat sa pag-edit @shyyyferas Salamat ulit, Sir @pacquiao.michael ! • • Yung mga photos po ay hindi ko pag-aari. Pero yung mga nasa litrato na yon ang aking mga Bayani☝🏼❤️

A post shared by Jon Lucas (@lucas_aljhon) on

Sa exclusive Skype interview ng GMANetwork.com kamakailan, kuwento ni Jon, "Nakakatuwa nga napakabait ng pamilya na 'yon.

"Ang totoo n'yan lagi ako nanonood ng mga vlog nila kaya na-inspire din kami ni misis na bumalik sa pagba-vlog."

Kuwento pa niya, "[Habang] pinapanood namin 'yung vlog [nila,] nakita ko 'yung music.

"Sinearch ko hanggang sa sabi ko, 'Okay to ah, minus one lang.'

"So minessage ko si [Michael], "Bro, baka puwedeng mahiram ko 'yung music mo. Gagamitin ko lang para sa isang kanta.'"

"Tapos nag-reply s'ya kaagad na, 'Walang problema, sure,' parang gano'n.

"Tapos 'yung pangalawa, [nanghiram ulit ako.]

"Tapos 'yon, okay naman. Napakabait n'ya e, nakakatuwa, ayos to ah."

Dahil sa simple act of kindness na iyon, lalong hinangaan ni Jon si Senator Manny dahil pinalaki niyang magalang at may kababaang-loob ang kanyang mga anak.

Pagpuri ng aktor sa senador, "Sobra kong hinahangaan si Senator Manny Pacquiao dahil sa pagiging makatao, dahil sa pagiging matulungin sa kapwa.

"Kumbaga dati pa lang, no'ng bata pa lang ako, naririnig ko na na halos lahat ng napapalanunan n'ya sa boxing talagang binibigay n'ya sa mga mahihirap, pinampapagawa n'ya ng gan'to, gan'yan.

"Parang do'n pa lang hanga na ko hanggang sa nag-vlog 'tong mga anak n'ya.

"Kumbaga, kahit may gano'n silang kayamanan, talagang napalaki na mabait at ma-respeto."

Gusto ba ni Jon ma-i-record ang mga kantang kanyang sinulat professionally?

Sagot niya, "Kung papalarin sana ma-i-record nang maayos 'yung kanta para sa mga frontliners natin at 'yung una rin para sa mga kababayan natin."

Patuloy pa niya, "Sana po 'pag may magandang pagkakataon na ma-i-record para mas maganda kasi ni-record ko lang po 'yun pagkagising, nasa kwarto, tapos naka-ring light lang dito sa hallway lang dito bahay, kasi wala akong studio kasi trial lang naman.

"Kung makita ng tao, mapansin, gusto i-download, sige, i-download na lang."

TOUGH TIMES

Bukod sa pagsusulat ng kanta at pagba-vlog, inaaliw ni Jon ang kanyang sarili sa pagwo-workout bilang immunity booster na rin sa panahon ng pandemya.

Bahagi niya, "Sa mga kinakaharap natin ngayon na karamdaman, kailangan po talaga ng katawan natin ay malakas tayo.

"Dapat po ma-boost ang ating immune system at isa po sa mga nakakatulong para po tayo ay manatiling healthy ay ang pagwo-workout po.

"So kung tayo po ay laging nag-e-exercise at malalakas, palagay ko po hindi po kaagad tayo makakapitan ng virus na kumakalat."

Samantala, tinuturing din ni Jon na magandang panahon ang enhanced community quarantine para sulitin ang kanyang oras sa pag-aalaga sa kanyang 2-year-old son na si Brycen.

Aniya, "Ito naman 'yung positibong dulot ng nangyayari.

"Kumbaga, nagkakaroon tayo ng oras sa mga mahal natin sa buhay at hindi natin alam after nito kung babalik ba tayo sa dati, kung 'yung oras na binibigay natin ngayon ay maibibigay pa natin sa mga susunod na araw.

"Kumbaga, tinuturo sa 'tin na sulitin ang bawat pagkakataon na kasama natin 'yung mga mahal natin sa buhay kasi baka 'yung iba nagfo-focus na lang sa mga materyal na bagay.

"Kumbaga, trabaho nang trabaho para mabili 'yung gan'to.

"Nakakailmutan na nila minsan 'yung mas mahalagang yaman nila which is family nga nila, 'yung mga mahal nila sa buhay.

"'Yun talaga 'yung yaman na hindi mbabayaran ng kahit sino man."