Showbiz News

Ayaw na ni Glaiza de Castro kay Eunice

If 'Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin' skyrocketed Glaiza de Castro's career into people's consciousness—ibang level naman ang itinaas nito sa kanyang pagganap bilang Eunice sa 'Stairway to Heaven.' Now, Glaiza de Castro is a hot property—and Glaiza credits this to the show's very faithful fans. Text and Photos by Jason John S. Lim. "Gusto kong magpasalamat sa kanila." Sa Thanksgiving Mass ng Stairway to Heaven, Glaiza de Castro told the press na gusto niyang pasalamatan ang mga viewers ng show nila for the support and sa pagsubaybay nila sa show. "Kung hindi naman din dahil sa kanila, 'yung reception, hindi ganito katindi. Overwhelming." She says that if it weren't for these very loyal and very faithful fans, hindi daw tataas ang ratings ng show like it's doing now. "Dahil na rin sa kanila [sa mga viewers], sa mga comments nila, kaya nae-enganyo 'yung mga tao. Naku-curious sila, 'di ba? Word of mouth." "If it weren't for them, their comments and their compliments, hindi rin kakalat na panoorin itong show na ito," diin niya. And considering na medyo negative ang feedback ng show before it started, Glaiza and the rest of the cast are very happy that they were able to prove na kaya nilang bigyan ng justice ang Stairway to Heaven. "Isa pa rin 'yung achievement para sa amin," Glaiza tells us. "Nung una, kinakabahan talaga kami. We just wanted Stairway to be consistent in terms of ratings." Sabi nga ni Glaiza, ayos lang sa kanila na hindi sila ang maging highest-rated show sa Telebabad block ng GMA—so long as pinapanood sila ng maraming tao. "'yung parang mabawi lang kung ano man 'yung pinaghirapan namin." "Kasi, honestly, mahirap talagang gawin ito e." Glaiza confesses na mabigat for the actors ang material ng show. "So doon man lang sa mga iniyak namin, sa mga nasampal na tao, magkaroon kami ng ratings na ayos na. Iba 'yung dating kapag sinasabi 'yung pataas ang show na 'to; mataas ang ratings nito." Isa pang ikinatutuwa ni Glaiza ay ang feedback na nakukuha niya mismo sa mga nakakasalubong niya. "Parang everywhere I go, talagang 'Nakakainis ka ha!' 'Asan si Jodi? Asan si Cholo?' So nakakatuwa." Glaiza is happy to report din na wala pa namang incident na may nang-away sa kanya dahil sa mga pinaggagawa ng character niyang si Eunice. And she plans to keep it that way. In a previous interview, Glaiza said that portraying Eunice doesn't mean na she will be playing the role. Before Stairway to Heaven started, ang goal ni Glaiza ay maging si Eunice whenever the camera starts rolling. Pero ngayon, gusto na niyang linawin ang linya between Glaiza and Eunice. "Nagiging Eunice na talaga ako!" Glaiza reveals na may mga pagkakataon daw na kapag nagsasalita siya, pag nagagalit siya, may mga nasasabi siyang hindi naman niya sinasabi before. Kuwento niya, "Bakit ko nasabi yun? Hindi ko naman sinasabi ‘yun dati! 'Ito ba 'yung epekto ng pagiging Eunice ko? Hindi pupuwede!" "Kung Glaiza being Eunice—kailangan doon lang ‘yun sa show. You have to throw it away, para pagka pack-up, tapos na. Alis na." Good luck with that Glaiza! Huling linggo na ng Stairway to Heaven next week! At marami ka pang mababasa about the show—dito lang sa iGMA.tv. Stairway to Heaven airs weeknights pagkatapos ng Darna at bago magsimula ang Full House, dito lang sa GMA-7. Be always updated sa mga ginagawa nina Glaiza! Just text GLAIZA(space)ON to 4627 para sa lahat ng telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)