Showbiz News

Rhea Santos, 'bumisita' sa 'Unang Hirit' at nagbigay ng update sa kanilang buhay sa Canada

By Aaron Brennt Eusebio

Muing nagbalik sa 'Unang Hirit' ang dating host nito na si Rhea Santos upang magbigay ng update sa kanilang kalagayan sa Canada ngayong may banta ng COVID-19 sa buong mundo.

Umalis si Rhea sa 'Unang Hirit' noong 2019 upang mag-migrate sa Canada kasama ang kanyang pamilya at para mag-aral.

LOOK: Rhea Santos's new life in Vancouver, Canada

“So happy to hear your voices and see some of you @unanghirit fam,” sulat ni Rhea sa caption ng kanyang Instagram post.

“Stay well everyone!”

Nakausap ng mga host ng 'Unang Hirit' na sina Arnold Clavio, Connie Sison, at Lyn Ching si Rhea sa pamamagitan ng video interview.

“Okay naman [kaming] lahat. Siyempre kailangan namin sumunod sa directives,” kuwento ni Rhea nang kumustahin ng dati niyang kasamahan.

“Vancouver kasi bahagi ito ng probinsya ng British Columbia, so wala pang sinasabi na shelter in place o lockdown.

“Ibig sabihin, puwede ka lumabas, grocery, o kaya puwede ka pa rin pumunta sa park, may ilang parks na bukas, pero kailangan talagang strictly observed ang physical distancing and social distancing.”

Panoorin ang pagbabalik ni Rhea sa Unang Hirit: