Showbiz News

Fanny Serrano on racy photos, videos in social media: 'Hindi ko talaga ma-gets kung anong purpose'

By Cara Emmeline Garcia

Idinaan ni Fanny Serrano sa isang Facebook post ang kanyang disappointment sa kumakalat na bagong trend ngayon na pagpo-post ng almost nude photos at videos sa social media.

Sigaw ng celebrity hair and makeup stylist, “I need an answer… please lang!

“Hindi ko talaga ma-gets kung ano ang purpose ng ibang netizens posting their photos na almost nude, halos naka-expose ang suso ng girls sa sobrang pakita ng kanilang cleavage.

“Ang mga lalaking naka-swimming trunks or underwear na ibinabalandra ang mga bukol ng ari nila.

“Mga bagets na girls and boylets na naka-sexy pose na talbog pa ang boldstars na attention seekers! At lahat nakakalat sa social media!”

Sambit ni Fanny, hindi ito kanais-nais tingnan at hindi nakakatulong sa panahon ngayon lalo na't may pinagdadaanang krisis ang bansa.

Aniya, “Ano ba talaga ang goal ng sexy posting n'yo sa panahong ito na ang buong mundo ay nagdaramdam dahil sa COVID-19 na nakamamatay nang todo-todo? Maliligtas ba sa virus ang sinumang makakakita ng sexy posting niyo na yun?

“Kung ganun nga ang magiging effect ng posting niyo, e di, go! Pero kung ang motibo n'yo ay ang magpainit ng libido ng iba sa panahong ito, e, teka lang ano… ”

Payo pa ni Fanny na isipin munang mabuti ang pagpo-post dahil maraming mga underage ngayon ang maalam na sa social media at teknolohiya.

“Magisip-isip naman kayo kasi maraming underage ang gumagala ngayon sa social media or younger brothers and sisters nyo ang nakakakita!

“Hello!? Feeling niyo ba ay nag-e-enjoy ang lahat ng netizens sa mga posting niyo?

“Don't get offended please. Ganyan kasi ang photos ng mga ibinibenta ang mga sarili. I am so sorry pero nagpapaalala lang po ako na baka mapagkamalan kayo.”

Sa comments section, pinagdiskusyunan ng mga taga-hanga ni Fanny at sumasangayon sa pananaw niya.

Ani ng isang netizen, “This is a sad reality amongst our youngsters nowadays. No more values, no self-worth, and no delicadesa. They just don't realize the negative effect on them. Parents are partly to blame because they allow and tolerate this kind of behavior.”

Payo pa ng isa, “Dapat batayan ang mga kabataan ngayon dahil kasama na yan sa pinaglilibangan ngayon.”

Netizens discuss over Fanny Serrano's post. Source: Felix Mariano Fausto Jr. (Facebook)

Sa Pilipinas, mayroong batas na pumoprotekta sa privacy ng mga sibilyan sa pamamagitan ng Cybercrime Prevention Act, Anti-Photo and Video Voyeurism Act, at Anti-Child Pornography Act (kung minor).

Subalit, naaayon din sa batas na, “once a photo is posted or shared online, the person who posted it intends to forsake and renounce all privacy rights to that photo. This is especially applicable in cases wherein the user posted a photo viewable to the public or to his friends en masse.”

Heart Evangelista bares it all in nearly naked photo

Luane Dy's jaw-dropping naked maternity photo