Showbiz News

Aljur and Kris, thankful sa loyal supporters

Last December 8, in the midst of the photo shoot para sa upcoming telefantasya nina Aljur at Kris, the two took a breather para makipag-usap sa kanilang mga fans through the iGMA Live Chat! Text by Jason John S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio. Hindi man naging mahaba ang usapan, nagpapasalamat naman sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa kanilang mga supporters who logged in. "Nakakatuwa kasi, talagang nakita namin 'yung mga dating chatters, hanggang ngayon nandoon pa rin." Iyan ang kuwento sa amin ni Kris after the chat. She notes na, "sabihin na nating two years na rin kami nasa showbiz, tapos nandoon pa rin sila, sinusuportahan kami." Napakalaking bagay daw ito para sa kanilang dalawa. Dugtong pa ni Kris that they don't always get the chance to talk to their fans, and thank them in person. Kaya naman the two of them cherish the times na nakakapag-live chat sila. "Nabigyan din kami ng chance na talagang diretsuhan naming nasasagot yung mga tanong nila." "At saka masaya kami dahil napapasalamatan namin sila," pahabol pa ni Kris. At sang-ayon si Aljur sa mga sinabi ni Kris. "Tama po yung sinabi ni Kris na nandoon pa rin sila, sumusuporta." But he also notes na, "habang tumatagal po, parang mas lalong parami ng parami yung mga nagla-log on para makipag-chat sa amin." Kaya naman nagpapasalamat rin si Aljur sa GMA New Media, Inc. "dahil sa NMI, nagkakaroon po kami ng communication to our fans." Bukod kasi sa iGMA.tv, GMA New Media, Inc. din ang nasa likod ng Fanatxt service kung saan nakakapag-update ang mga artista sa kanilang mga fans through their cellphones. Isa't kalahating oras lang ang itinagal ng live chat nina Aljur at Kris sa pagkakataong ito. And to make up for it, the two will be making an early return sa live chat on February 2010. And this time, wala nang gagambala sa tuloy-tuloy na pakikipag-chat sa kanila! Lagi lang mag-log on sa iGMA.tv para malaman kung ano ang exact date ng kanilang susunod na live chat. In the meantime, Aljur and Kris wants to leave a message sa kanilang mga fans: Kris Bernal: "Sa lahat po ng Krispers, sa lahat ng AlKrisians, at sa lahat sumusuporta kay Aljur at sa aming dalawa, unang-una gusto po namin magpasalamat sa inyo. Alam niyo, tuwang-tuwa kami dahil nakarating kami dito. At hindi mangyayari yun, kung wala kayo. So maraming, maraming salamat po talaga. Sa lahat ng pumupunta ng mall shows namin, sa lahat ng guestings namin, sa lahat ng nagre-record ng videos namin, maraming salamat talaga. Malaking bagay sa amin 'yun. At sana abangan niyo po at panoorin niyo po ang The Last Prince. Sa January 11, 2010 na po yan. Napakagandang fantasy show na talagang kikiligin po kayo. At kakaibang love story po ito." Aljur Abrenica: "Sa lahat po ng mga taong sumusuporta sa amin, sa mga pamilya diyan, simula pagkabata hanggang sa matanda, maraming, maraming salamat po. At dahil po sa inyo, heto po, nabigyan po kami ng bagong proyekto ni Kris. Ito nga po yung The Last Prince. Abangan niyo po, by January 11 po, ito po 'yung pilot day po namin. Marami po kayong aabangan." Pag-usapan sina Aljur at Kris sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! To subscribe naman sa Fanatxt service nila, just text ALJUR ON or KRISB ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) And don't forget, The Last Prince begins airing January 11, 2010—sa GMA Telebabad.