Showbiz News

Dating SexBomb member na si Jacque Estevez, tinamaan ng COVID-19

By Dianara Alegre

Nag-reunion online ang dating SexBomb Girls singers na sina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Izzy Trazona, Yvette Lopez, Weng Ibarra, at Monic Icban.

Present din sa video conference si Jacque Estevez na mahigit isang dekada nang nakatira sa Anaheim, California.

Doon na rin siya nakapangasawa at nagkaroon ng tatlong anak.

Lingid sa kaalaman ng marami na isang medical frontliner si Jacque sa California, at ibinahagi niyang nahawaan siya ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) habang nasa duty.

Ngayong nasa maayos na siyang kalagayan, kinuwento niya ang kanyang mga naging karanasan habang nakikipaglaban sa sakit.

“'Yung lungs ko no'n parang nagbi-build up so halos natutulog ako, nakaupo. Dahil 'pag nakahiga ako, parang magbi-build tapos hindi na ako makahinga.

“Parang tinutusok 'yung katawan mo. 'yung chest ko parang mag nags-stab na kutsilyo. Parang ganu'n 'yung nafi-feel ko,” aniya.

Na-touch naman umano si Jacque dahil kahit ilang taon na niyang hindi nakakausap ang dating co-members sa SexBomb ay naalala pa rin siya ng mga ito.

“Talagang na-touch ako. Medyo kinabahan ako kasi nami-miss ko na sila. Matagal ko na silang hindi nakausap.

“Nu'ng nag-usap kami parang bumalik ulit 'yung time na nagkukulitan pa rin kami lahat,” dagdag pa niya.

Ayon kay Rochelle, may binubuo umanong show ang grupo.

“Mayroong binubuo. 'Di ko lang masabi kung kailan kasi 'di rin naman natin masabi kung hanggang kalian itong ECQ."

Panoorin ang buong 24 Oras report: