What's Hot

Rochelle Pangilinan at ibang SexBomb singers, kinanta ang theme song ng 'Daisy Siete'

By Cherry Sun
Published April 30, 2020 1:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan and SexBomb girls


Magbalik-tanaw sa 'Daisy Siete' days ng SexBomb Girls sa kanilang online reunion na ito.

Inawit nina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Izzy Trazona, Yvette Lopez, Weng Ibarra, at Monic Icban ang theme song ng Daisy Siete sa second part ng kanilang online reunion.

Noong April 27, ibinahagi ni Rochelle ang first part ng kanyang video conference kasama ang kanyang kapwa SexBomb Girls.

Nitong Miyerkules, April 29, ibinahagi na rin niya ang second part kung saan napanood ang nostalgic performance ng dating SexBomb singers. Ang kantang “Daisy Siete” ay mula sa kanilang successful drama anthology na tumakbo ng 26 seasons sa Kapuso network noon.

This is it! Part ✌🏼na! Sexbomb singers with Covid 19 survivor Jacque Esteves! Link in my bio!

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

Nakasama rin nila ang kanilang kapwa SexBomb dancer na si Jacque Estevez na nagkuwento ng kanyang karanasan bilang isang COVID-19 survivor.

Nagpalitan din sila ng kanilang tips kung paano iwasan ang pagkalat ng new coronavirus at pati na ng kanilang mga natutunan ngayong hinaharap nila ang COVID-19 crisis.

Patuloy din ang kanilang paghikayat sa kanilang manonood na mag-donate at magpakita ng suporta sa frontliners.

IN PHOTOS: SexBomb dancers na certified mommies na ngayon

Sexbomb Girls dance 'Tala' with former manager Joy Cancio

SexBomb: Noon at ngayon