Showbiz News

Barbie Forteza, miss na miss na raw ang kaniyang 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday' family

By Felix Ilaya

Kasalukuyang postponed ang mga taping schedules ng Kapuso shows dulot ng enhanced community quarantine at COVID-19 pandemic.

Matagal man silang hindi nagkikita-kita, close na close pa rin daw ang Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday cast sa isa't isa.

Ayon sa Kapuso Showbiz News interview kay Barbie Forteza, madalas daw silang nag-i-interact ng kaniyang cast mates online.

Aniya, "Every now and then, nagko-comment kami sa IG story ng isa't isa. Si Kate (Valdez), ang hilig mag-react sa IG stories ko kaya minsan medyo nahihiya na akong mag-post."

Hindi lang daw fellow cast members ang nakakausap ni Barbie dahil pati ang staff ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ay nakukumusta niya rin online.

Masaya naman daw siya na ligtas rin ang kalagayan nilang lahat sa kabila ng epidemyang kinakaharap ng bansa.

"Nakakatuwa lang kasi hindi man kami nagkikita-kita regularly tulad ng dati, nakikita ko naman sa social media nila na healthy pa rin sila, walang masamang nangyayari, safe pa rin sila ng family nila," kuwento ni Barbie.

Maliban sa kaniyang Anak Ni Waray Vs. Biday family, madalas din daw nakakausap ni Barbie ang kaniyang boyfriend na si Jak Roberto sa pamamagitan ng video chat.

Kamakailan nga ay nag-share si Jak ng vlog sa YouTube kung saan tinuruan niyang magluto si Barbie ng beef salpicao.

Panoorin ang Kapuso Showbiz News interview kay Barbie sa video below: