Showbiz News

Golden Cañedo, nagbigay ng tulong sa mga kababayan sa Cebu

By Felix Ilaya

Nagdiwang ng 18th birthday ang Kapuso singer na si Golden Cañedo last April 5 at bilang pa-blow out sa kaniyang mga kababayan sa Minglanilla, Cebu, naisipan ni Golden na magpamigay ng mga regalo at relief goods.

Sa Instagram post ni Golden, sinabi niya nais niyang makapagbigay ng tulong sa mga tiga-Minglanilla dahil alam niyang apektado ang mga kabuhayan nila ng COVID-19.

"Sobrang sarap at gaan pala sa feeling ng mag-share ka ng blessings galing kay Lord. Eto po ay sa lungsod po sa amin kung saan po ako lumaki which is Minglanilla.

"Naisip ko po sila sa panahon ngayon na alam ko kung gano sila kahirap ngayon kaya sa konti naming nakaya ay nakapagbigay kami ng konting regalo sa mga nangangailangan ngayon.

"Hindi man lahat ay nakatanggap pero gagawin po namin ang best namin na makapagbigay kami ulit," wika niya.

Panoorin ang emotional vlog ni Golden sa video below:

Sobrang sarap at gaan pala sa feeling ng magshare ka ng blessings galing kay Lord. Eto po ay sa lungsod po sa amin kung saan po ako lumaki which is Minglanilla. Naisip ko po sila sa panahong ngayon na alam ko kung gano sila kahirap ngayon kaya sa konti naming nakaya ay nakapagbigay kame ng konting regalo sa mga nangangailangan ngayon. Hindi man lahat ay nakatanggap pero gagawin po namin ang best namin na makapagbigay kame ulit. ☺️😇Maraming salamat sa lahat ng nanuod DONT FORGET TO FOLLOW, SHARE AND HEART THANKYOU☺️❤️

Isang post na ibinahagi ni Golden (@thegoldencanedo) noong