Showbiz News

Abangan ang bagong Sunday Grande simula May 3!

By Cherry Sun

Bagong buwan, bagong Sunday Grande!

Simula ngayong Linggo, May 3, bagong program line-up na ang mapapanood sa Sunday Grande.

Pagpatak ng 12:00 sa hapon, mapapapanood na ang Kapuso Music Festival. Susundan ito ng Dear Uge simula 2:30 ng hapon, GMA Blockbusters sa 3:30 ng hapon, at 24 Oras Weekend pagsapit ng 5:25 ng hapon.

Sa gabi, mapapanood ang Amazing Earth simula 6:25 P.M. Kasunod nito ang Daig Kayo ng Lola Ko sa 7:05 ng gabi at Kapuso Mo, Jessica Soho ng 8:25 ng gabi. Mapapanood na rin ang The Boobay and Tekla Show ng 10:15 ng gabi at SNBO ng 11:15 ng gabi.

Sulitin ang quarantine at tutok na sa inyong mga paboritong palabas tuwing Linggo!