Showbiz News

Jessica Soho meets Walang Ganu'n Mars!

By Dianara Alegre

Dahil sa mahigit isang buwan na ang enhanced community quarantine, maraming pakulo ang netizen para labanan ang pagkabagot.

Mayroong nagsasayaw gamit ang TikTok, gumagawa ng iba't ibang skits at nagpo-post ng nakatatawang videos.

Likas na sa mga Pilipino ang maging masayahin. Isa nga raw ito sa mga dahilan kung bakit mabilis na nakakaahon sa mga trahedya ang mga Pinoy, gaano man ito kabigat.

At ngayong may COVID-19 crisis sa bansa, isa rin sa kinakapitan ng mga nabuburyong na netizen ay ang panonood ng funny videos sa internet.

Dito nakilala si Walang Ganu'n Mars o Richo Bautista sa tunay na buhay.

Talagang nakaaaliw ang comedy skits niya na nagpapakita rin ng mga nagaganap sa tunay na buhay ng mga magkakapitbahay ngayong nakalockdown ang karamihan sa mga lugar sa PIlipinas.

Libu-libong netizens ang nanonood at napapatawa ng “Kapit-bahay Serye” ni Richo na kuwento ng pag-aaway at pagbabati ng magkapit-bahay na si Aling Nena at Mars.

Sa eksklusibong panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinahagi ni Richo ang ilang mga detalye kung paano niya binigyang-buhay ang Kapit-bahay Serye.

Nagbigay din siya ng tour sa sikat na sikat ngayong bahay nina Aling Nena at Mars.

Inamin naman ni Richo na mahirap din ang paggawa ng videos.

“Ang hirap, papalit-palit pa kami ng aming mga setting, tatakbo ko du'n dala 'yung costume ko, Kaya ang ginagawa namin, pinagpapatung-patong ko na lang 'yung costume ko,” dagdag pa niya.

Kilalanin si Richo a.k.a Walang Ganu'n Mars sa espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

PANOORIN: TikTok star na si Ms. Everything sa KMJS

KMJS: Paano nag-umpisang magpakilig sa TikTok si DJ Loonyo?