Showbiz News

Mark Herras, nagulat sa pagiging viral ng kanyang 'Average Joe' dance video sa Tiktok

By Dianara Alegre

The OG Bad Boy of the Dance Floor is back pero this time ay sa TikTok nagpabilib si StarStruck Batch 1 Ultimate Male Survivor Mark Herras.

Kamakailan ay nag-trend at pinag-usapan ang TikTok dance videos ni Mark dahil matagal-tagal na ring hindi nakikita ng publiko na sumasayaw ang aktor.

Ngunit ang pinakapumatok sa netizens ay ang pagsayaw niya sa “Average Joe” na pinasikat niya ilang taon na ang nakararaan.

Mark Herras's "Average Joe" TikTok video is the ultimate throwback!

Ayon kay Mark, hindi raw niya inaasahan na magba-viral ang kanyang dance compilation kasi ginawa lang niya umano itong pastime habang naka-quarantine.

“Nagulat ako na padami nang padami ang shares hanggang 'yun nga, nag-trending na kahit sa Twitter,” aniya.

“Parang ayaw ko na nga gawin kasi medyo nagsasawa na ako kasi parang buong buhay ko na siyang sinasayaw,” biro ni Mark.

Natutuwa rin umano siya na hindi pa rin nalilimutan ng publiko ang pinasikat niyang dance craze.

“Nakakatuwa na naa-appreciate pa rin nila 'yung sayaw na 'yon.

“'Yung iba tinatawag ako OG. Ang lakas makatanda ng OG pero nakakatuwa lang kasi kumbaga it's been a while na talagang sumayaw ako o makita ako ng mga tao na sumasayaw.

Photos that prove Mark Herras is the original "Bad Boy ng Dance Floor"

Panoorin ang buong 24 Oras report: