Showbiz News

Sino sa 'Descendants of the Sun PH' hunks ang nakatanggap ng indecent proposal in real life?

By Felix Ilaya

Para sa premiere episode ng online series na #ArtistHideout last Tuesday, May 5, nag-guest ang mga Descendants of the Sun PH hunks na sina Rocco Nacino, Lucho Ayala, Paul Salas, Jon Lucas, at Prince Clemente.

Nakipagbukingan at kulitan ang mga Kapuso hunks na ito kasama ang komedyanteng si Tetay Ocampo sa segment na "Parekuy's." Dito, tinanong sila ni Tetay ng mga daring questions at sasagutin nila ng "Me" o "Not Me" depende kung nakaka-relate ba sila doon sa tanong.

Isa sa mga mapusok na tanong ni Tetay ay kung "Sino sa kanila ang nakatanggap na ng indecent proposal?"

"Not Me" ang sagot ni Paul samantalang "Me" naman ang sagot nina Rocco, Lucho, Jon, at Prince.

Ayon kina Lucho, Jon, at Prince, nakakatanggap daw sila ng indecent proposals sa kanilang mga DMs sa Instagram ngunit pinipili na lang nila itong 'wag pansinin.

Kuwento naman ni Rocco, minsan na raw siyang nakatanggap ng indecent proposal nang harap-harapan sa isang event. May lumapit daw sa kaniya at nagbulong ng proposal na ito.

Panoorin ang kuwento ni Rocco sa #ArtistHideout online show with the "Parekuy's" below:

'Wag palampasin ang iba pang #ArtistHideout shows this week gaya ng "Wednesday Coolitan" with Chynna Ortaleza, Max Collins, and Dion Ignacio at "Yummy Thursdays" with Arra San Agustin.