Showbiz News

PANOORIN: Dating DJ na si Papa Buboy, isa nang nurse!

By Aedrianne Acar

Hindi raw naging madali para sa dating Barangay LS Forever DJ na si Papa Buboy ang desisyong iwan ang kanyang radio career.

Tumagal ng halos apat na taon bilang DJ si Papa o Justin Candado II sa totoong buhay, na huling narinig sa radyo noong December 2017.

Lingid sa kaalaman ng avid listeners ng FM station, pinagsasabay na noon ni DJ Buboy ang pag-aaral niya bilang nurse sa Our Lady of Fatima University sa Valenzuela at trabaho niya bilang radio host.

"Mahirap 'yung decision na 'yun to leave Barangay LS.

"Unang-una, Barangay LS and GMA has been my family for almost four years. So talagang mabigat din sa loob ko 'yung umalis.

"Pero dumating kasi 'yung time sa akin 'yung demand ng studies at work is talagang nag-o-overlap na," kuwento ni Papa Buboy sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Dagdag pa niya, naramdaman niyang nagawa na niya ang lahat bilang DJ kaya panahon na para tahakin niya ang bagong landas at ito ay ang pagiging isang nurse.

Aniya, "I think I've done a lot in radio, marami na rin akong episodes na talagang fulfilling on my part as a DJ and I think that was the end of that career.

"Pinili ko kasi 'yung nursing [laughs] hindi naman sa pinili, nung time na 'yun siya 'yung nanaig kasi mabigat na 'yung studies and I was fulfilled everytime I have my duties.

"I think 'yung fulfilling na feeling sa akin 'yung hearing someone saying 'thank you' kasi naligtas sila or umayos 'yung lagay nila sa buhay sa hospital because you took care of them."

Tuluy-tuloy na nag-focus sa career niya bilang nurse si Papa Buboy. Matapos ang first take niya sa board exam ay nag-apply siya sa St. Luke's Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig.

Ngayon, isa na siya sa libu-libong healthcare workers na tinataya ang kanilang buhay upang labanan ang COVID-19.

Pag-amin ni Papa Buboy, nakatatakot humarap sa ganiton klase ng sakit.

Wika niya, "At first siyempre kahit sinong tao at first matatakot ka kasi 'yung fear of the unknown.

"You don't know this illness, kahit kami takot kami, even doctors are afraid kasi we don't know kung paano ito nalilipat,"

Nabanggit din ni Papa Buboy na umabot siya sa point na naiispan niyang mag-resign, dahil sa takot na dulot ng pandemic.

Ano ang pumigil sa kanya na mag-resign?

Silipin ang buong panayam ni Papa Buboy sa Kapuso Showbiz News sa video below.


Papa Buboy: Actor or DJ?

IN PHOTOS: Barangay DJ Papa Buboy travels to the Land Down Under

GIVE ME FIVE featuring Papa Buboy of Barangay LS FM