Showbiz News

'Prima Donnas' stars, mapapanood sa 'Playlist' nang live

By Dianara Alegre

Dahil halos dalawang buwan nang hindi nagkikita-kita, ibinahagi ng Prima Donnas stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo at Elijah Alejo na miss na nila makatrabaho ang isa't isa.

Dahil magkakalapit lang ang edad ay naging matalik na magkakaibigan ang apat kaya naman halos araw-araw umano silang nag-uusap online.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi nila kung ano ang pinakanami-miss nila sa pagtatrabaho at kanilang mga katrabaho.

“Miss ko na po 'yung bonding namin sa set. 'Yung mga breaks po namin, lunch break, dinner break, kasi talagang chikahan po kami nu'n,” sabi ni Jillian.

Para naman kay Althea, “Siyempre 'yung nagpe-praise and worship kami kay God. 'Yun 'yung una naming ginagawa bago kami mag-start ng work namin. 'Yun 'yung nakaka-miss.”

Food trip din ang nami-miss ni Sofia,“'Yung kakain kayo, 'tas kami 'yung magkakasama, 'tas kakain 'yung food props.”

Inamin din ni Elijah na nakakalimutan niyang food props ang kinakain sa set kaya, “'Yung mga food props na may mga times po na nadadala ko pa po sa tent, lalo na po 'yung gatas.”

'Prima Donnas' star Althea Ablan tries making cheesy bread hotdog

'Prima Donnas' star Elijah Alejo plays virtual 'bring me' with her fans online

Tampok naman ang Prima Donnas stars sa Playlist sa Sabado, May 9, sa ganap na 7:00 ng gabi.

Bisitahin lamang ang YouTube channel ng GMA Playlist.

Panoorin ang buong 24 Oras para sa iba pang detalye: