Showbiz News

GMA historical period dramas you can binge-watch online

By Jansen Ramos

Bilang source ng entertainment, misyon ng GMA Network na maghandog ng mga programang hindi lamang kawili-wili kundi nagbibigay din ng kaalaman sa mga manood.

Kabilang riyan ang mga programang hango sa kasaysayan ng Pilipinas na layuning ipakilala ang makulay na kultura at politika ng bansa sa makabagong henerasyon.

Dahil marami ang napamahal sa mga programang ito, ini-upload ng GMA ang lahat ng episodes nito online para muling mapanood.

Amaya


Numero uno sa listahan ang 2011 historical fiction epic-serye na Amaya na pinagbidahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ito ay hango sa panahoon noong 1500s, ilang taon bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas.

Si Amaya ay ang natatanging nilalang na sinubok ng pagkakataon upang maging pinakamakapangyarihang babae sa kanyang panahon.

Hindi siya pangkaraniwang prinsesa dahil siya'y ipinanganak na may kakambal na ahas. Ito ay isang lihim na itinago ng kanyang ama upang mailayo siya sa kapahamakan.

Panoorin ang full 165 episodes ng Amaya dito:

Indio


Hango sa Philippine history at mythology ang 2013 epic fantaserye na Indio. Ito ay tungkol sa kuwento ni Malaya, na ginampanan ni Senator Ramon "Bong Revilla.

Si Malaya ay lumaki sa panahon kung kailan ang buong lupain ay pinaghati-hati bilang mga encomienda na pinamamahalaan ng mga Kastila.

Siya ay inihiwalay sa kanyang mga kinalakihang mga magulang at lumaki sa pag-aaruga ng mga dayuhan na nagbansag sa kanya bilang Indio.

Panoorin ang episodic highlights ng Indio dito:

Ilustrado


Bukod sa paggawa ng mga dokumentaryo, umaani rin ng papuri ang GMA Public Affairs dahil sa kanilang mga espesyal na pagtatanghal.

Hinangaan ang pagganap ni Alden Richards sa biographical series na Ilustrado, na base sa tunay na buhay Jose Rizal.

Tinalakay sa 20-episode series ang pagkabata, pakikipagsapalaran sa Europa, buhay-pag-ibig, at mga sakripisyo para sa bayan ng Pambasang Bayani.

Panoorin ang full episodes dito:

Alaala


Bilang paggunita sa ika-45 na anibersaryo ng pagdeklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ng Martial Law, inihandog ng GMA Public Affairs ang pelikulang Alaala.

Isa itong espesyal na pagtatanghal kung saan binigyang buhay ni Alden Richards ang mga sinapit ni Boni Ilagan, isa sa mga biktima ng pagmamalupit ng militar noong panahon ng diktadurya.

Ipinalabas ito noong September 17, 2017.

Katipunan

Inihandog ng GMA Public Affairs noong 2013 ang kauna-unahang historical docudrama na base sa pagtatatag ni Andres Bonifacio ng Katipunan.

Pinagbidahan ito ni Sid Lucero na siyang gumanap sa papel ni Bonifacio, at ni Glaiza De Castro na gumanap bilang Gregoria De Jesus, na asawa ng Ama ng Rebolusyon.

Panoorin ang full eight episodes ng Katipunan dito:

RELATED CONTENT:

Iconic GMA teleseryes you can binge-watch online

GMA Public Affairs award-winning shows you can binge-watch today