What's Hot

Kris Aquino, namigay ng cash sa kanyang Mother's Day live video

By Marah Ruiz
Published May 11, 2020 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH mourns ex-undersecretary Cabral’s passing
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Aquino cash gifts


Sinimulang tuparin ni Kris Aquino noong Mother's Day ang pangako niyang pamimigay ng cash gifts sa isang live video.

Tinupad na ni Kris Aquino ang pangakong mamimigay siya ng cash gifts online at sinimulan niya ito sa isang Facebook live video noong Mother's Day.

Sampung tao ang suwerteng napili niyang bibigyan ng PhP 5,000 pesos.

Sa isa namang "sariling sikap" na vlog sa kanyang YouTube channel, nilinaw ni Kris na sarili niyang pera ang ipinamahagi niya.

"Nagulat ako kanina while were were having our coffee. Si Nurse Mona, tinanong kung pera ko daw ba talaga 'yun or may sponsor. Sabi ko,' Yes, it's my money," kuwento ni Kris.

Na-inspire daw niyang magbahagi ng kanyang blessings dahil Mother's Day. Bukod dito, isa daw ang pagsi-share ng blessings sa mga natutunan niya mula sa kanyang yumaong ina na si former president Cory Aquino.

"'Pag nabiyayaan ka at na-bless ka, wala kang karapatan na angkinin lahat 'yun. Kailangan, binabahagi mo din sa iba. It's very important to share because kung hindi ka nagsi-share hindi gaganahan si God na i-bless ka. If you become a blessing to others then you will continue to be blessed," aniya.

Kasalukuyan pa ring pinaplano ni Kris at ng kanyang management na Cornerstone ang binabalak niyang live online show.

Bukod dito, nangako siyang patuloy na tutulong habang umiiral ang enhanced community quarantine sa bansa.

Kasalukuyan pa rin nasa isang resort sa Puerto Galera si Kris kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby.