Showbiz News

Heart Evangelista, tinawanan lang ang netizen na nagsabing OA siya

By Cara Emmeline Garcia

Hindi umalma si Kapuso actress Heart Evangelista sa ilang bashers na pumupuna sa kanyang pamumuhay habang nasa enhanced community quarantine.

Ang latest ay ang pambabatikos na natanggap niya sa isang Instagram post na nagpapakitang kumakain siya ng pancit canton habang suot ang designer clothing at jewelry.

Sulat ni Heart sa post, “Sometimes I workout and sometimes I do this.”

Kahit na nakatanggap ng maraming papuri si Heart sa kanyang “pambahay fashion,” hindi napigilan ang ilang trolls na kumuwestiyon sa kanyang magarbong pamumuhay.

Komento ng isang netizen, “The beautiful clothes make up for the talent and personality. I just wonder, is she interesting without these expensive pieces. I bet she knows that already that's why she dresses like that even in quarantine. Lols.”

Puna ni Heart, “@kendalxkendal lol glad you feel good about yourself now,” na sinabayan pa niya ng dalawang heart emojis.

Kasabay nito ang isa ring netizen na nagsabing “sobrang oa mo nasa bhaay ka lang ganyan itsura mo.”

Pabirong sagot ng aktres, “@meme.lang super!!”

Sagot ni Heart sa mga basher ng kanyang Instagram post / Source: @iamhearte (IG)

Hindi naman ito ang unang pagkakataong ipakita ni Heart ang kanyang mamahaling designer items simula nang maitalaga ang enhanced community quarantine.

Noong Abril, ipinakita niya sa pamamaraan ng TikTok ang ilang #OOTDs niya habang gumagawa ng gawaing bahay tulad ng pagwawalis at paglalaba.

Heart Evangelista shows how to “lose 500 calories” while wearing designer high heels

Mamahaling bags, shoes, accessories, at clothes ni Heart Evangelista