Showbiz News

Nadine Samonte rushed to hospital for acute gastritis

Tinik Sa Dibdib nang kinailangang isugod sa hospital si Nadine Samonte sanhi ng pananakit ng kanyang tiyan. Nakausap ng Startalk si Nadine at ayon sa kanya, "Bigla na lang sumakit. Biglaan. Sumumpong nang sobra kaya dinala na ako sa Cardinal [Santos Memorial Hospital, Greenhills, San Juan]." Ang finding daw ay acute gastritis. "Acidic talaga, super talaga. Tapos, ang nangyari naman, okey naman. Pero gusto nila akong i-confine for two days. E, sabi ko hindi puwede. May taping ako ngayong Friday. "So, mga nine ako isinugod. Mga two or three kami lumabas sa hospital. Lumabas din ako agad. Tapos, paglabas ko, saka ako nag-vomit. So, umokey na ang pakiramdam ko after that." After raw niyang manggaling sa hospital, bumalik siya agad sa taping. "Kasi malapit na rin kaming magtapos, e. Sabi ko, tapusin na natin. Mahirap yung naghahabol, e. Kaya pa naman, konting pahinga pa rin, dahan-dahan. Tapos, maya't maya kailangan kumain. Hindi puwedeng malipasan." ENDOSCOPY. Ang payo raw sa kanya ng doctor ay iwasan ang stress. "Sobrang stress, kaya kailangan umiwas sa stress," natatawang sabi ni Nadine. "Kasi nakita ko yung sequence, ang dami! Sobrang dami, umaga pa lang. Kaya sabi ko, paano kaya nila makukuhanan lahat ng eksenang ito?... "At saka, wala nga akong makain sa set. More on mamantikain yung foods, e, bawal nga. Pero meron akong time limit, hanggang February. Pagbalik ko sa kanya [doctor] at ganun pa rin, no choice, endoscopy talaga." Sa kabila naman daw ng nararamdaman niya sa kanyang health, sinigurado ni Nadine na hindi raw maaapektuhan ang Tinik Sa Dibdib. "Abangan niyo po ang pagtatapos namin, malapit na. Sobrang ganda at pinaghandaan po namin. Kahit bugbog-sarado 'ko rito, okey lang, para sa inyo," pagtatapos ng aktres. -- PEP.ph
Pag-usapan si Nadina sa iGMA Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Nadine via Fanatxt. Text NADINE [Your Message] Send to 4627 for Globe, TM, Sun, Smart and Talk ‘N Text. GOMMS (Wallpaper) Text GOMMS NADINE to 4627 for all telcos. This service is available only in the Philippines.