Showbiz News

Emo ang bagong look ni Chariz Solomon

Portraying Maya, the weird assistant of Isabel Oli sa 'Full House' , Chariz Solomon faces a new challenge in her career. Interview by Loretta G. Ramirez. Text by Reina M. Pagaduan. Photos by Mitch Mauricio. After playing the role of Emilene na sidekick-besfriend ni Jennica Garcia sa successful romantic-comedy show na Adik Sa 'Yo, nagbabalik si Chariz Solomon sa primetime para gumanap bilang Maya na assistant ni Isabel Oli sa Full House. As she stated, "Ako si Maya, ang weird emo assistant ni Elaine o ni Isabel Oli sa kanyang boutique. So parang friend niya na rin ako." Dagdag pa niya na challenge ang pagiging emo at weird dahil malayung-malayo ito sa kanyang personalidad. "Ibang way na siya iba na yung atake sobrang challenge 'to sa akin. Oo. Physical aspect pa lang, mental aspect, sobrang lahat magkakalayu-layo. Kahit po nung dati pa, yung si Emilene, ang layo ng character ko kay Emilene. So bongga 'to. Challenge talaga 'to para sa akin." At dahil first time din niyang gagampanan ang ganitong role, inamin niya na pinaghandaan niya ito ng mabuti. "Ano natsa-challenge ako dito sa role na 'to, kasi first time kong gumawa ng ganito na hindi nagsasalita, hindi loud. Sobrang limitadong galaw lang. [At] 'yung mga outfits, talagang all black or red or violet or gray lang so mahirap din. Tapos [bumili] pa ako ng bagong accessories—talagang pinaghandaan ko siya." Kaya naman siguro hindi nawawalan ng project itong StarStruck 4 Avenger na ito dahil sa professional at seryoso siya sa kanyang trabaho. At nang tanungin namin siya kung ano ang pakiramdam ng hindi siya nawawalan ng project, ito ang naging tugon niya: "Masaya ako, kasi siyempre, sa totoo lang malaking-malaki ang tulong ng prime time sa mga artista, exposure-wise and financial-wise. At saka siyempre, nakakapag-experiment ka and ang dami mong nagagawa—nade-develop mo ‘yung sarili mo at the same time”. Bukod sa Full House na napapanood gabi-gabi after ng The Last Prince sa GMA Telebabad, mapapanood din si Chariz sa Startalk every Saturday pagkatapos ng Eat Bulaga.
Pag-usapan si Chariz Solomon sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!