Showbiz News

Higit 2,400 tao sa Malabon, nabigyan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

By Marah Ruiz

Isang pamayanan sa Malabon ang binigyan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation.

Karamihan sa mga naninirahan dito ay nawalan ng hanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine.

Higit sa 2,400 tao ang hinatiran ng fully loaded Kapuso grocery packs, frozen chicken packs, tinapay, biskwit, sabong panligo, at sabong panlaba.

Naging posible ito dahil sa mga donasyon mula sa Ascof Lagundi, Jollibee Group, Gardenia Bakeries Phils., Inc., Nissin Wafer, Mega Sardines, Mondelez Philippines Inc., Nestle Philippines at iba pang donors.

Katuwang naman sa pamamahagi ang 2nd Infantry Division at 92nd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para sa medical supplies na ihahandog sa COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maaari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.