Showbiz News

Francine Prieto, weight nga ba ang dahilan sa madalang na projects?

Showbiz Central last Sunday, Francine sat with Mo Twister sa Gimme Mo segment ng show, para i-explain ang reason ng kanyang pag-gain ng weight. Isa kasi sa mga tanong ni Mo ay kung ang pamilya ba niya ang dahilan sa kanyang weight gain. "Hindi ‘yun ang problema," Francine said in defense of her family. "Ang naging problema siguro ay 'yung sa trabaho e—hindi regular." Inamin ni Francine that she was really stressed out nung mga panahon na 'yon, dahil iilan lang ang projects niya, lalo pa't ito lang ang kanyang source of income. "Siyempre minsan may mga bayarin ka—parang 'di mo na alam ang gagawin mo, [dahil] ito lang naman ang sumusuporta sa akin." Tinanong rin si Francine kung sa tingin ba niya ang weight gain ba niya ang dahilan kung bakit konti lang ang offers at projects na dumarating sa kanya. She answered straight that it was, "'yung weight ko ang nagiging dahilan kung bakit nahihirapan akong mahanapan ng work." Pero agad niyang dinipensahan na hindi dapat weight ang maging basehan ng mga tao para mabigyan ng project ang isang artista. "Hindi dapat maging hadlang 'yung weight ng tao," she said. "Dapat 'yung talent pa din." Of course, hindi na problema ito kay Francine ngayon—lalo pa't she lost 20 pounds in just two months! Paano nga ba nagawa ni Francine magpapayat in such a short time? She explained na naging endorser siya ng isang slimming capsule, and this became her motivation to trim down her weight. "Noong dumating na sa akin 'yung kontrata—pumirma ako." And dahil nga endorser siya nito, Francine added, "ayaw ko yatang mademanda, so nagsimula akong mag-workout." Pero, Francine admits that she's still not satisfied with her weight loss; kaya patuloy pa rin siya sa kanyang workouts at sa kanyang pag-take ng sliming capsules na ine-endorse niya.
Curious ka ba sa itsura ni Francine ngayon? Abangan siya sa shows ng GMA. Abangan rin kung magbabalik ang Babaeng Tuod sa Darna sa nalalapit nitong pagtatapos. -- Text by Marian Molina. Photos by Connie Tungul. Pag-usapan ang pagpayat ni Francine sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!