Showbiz News

Joshua Dionisio at Barbie Forteza, inalala ang on-screen team-up sa Stairway to Heaven

By Aedrianne Acar

Muling inalala nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio, o mas kilala bilang loveteam noon na JoshBie, ang pagiging bahagi nila sa Pinoy-adaptation ng hit Koreanovela series na Stairway To Heaven in 2009.

Gumanap sina Barbie at Joshua bilang young Jodi at Cholo sa naturang primetime series.

Sa panayam ng dalawa na ipinalabas sa "Chika Minute" kahapon, May 15, nagkuwento sila sa experience nila nang gawin ang soap.

Para kay Barbie Forteza, hindi raw niya makalilimutan na lumuwas pa sila mula Biñan, Laguna para mag-audition.

Ani Barbie, "Kakaibang experience kasi first time ko mag-audition sa harap ng director. Usually kasi sa harap ng caster, di ba, hindi talaga director.

"Kasi, usually ang director sa taping mo na makikita. Pero 'yun talaga very hands on si Binibining Joyce Bernal.

Napangiti naman ang kapareha dati ni Barbie na si Joshua Dionisio nang magkuwento kung ano ang pinakanaalala niya sa Kapuso actress.

"'Yung kakulitan talaga, e. Iba rin talaga 'yung comedy talaga, masaya talaga siyang katrabaho." saad ni Joshua.

Naniniwala rin si Joshua na marami sa kanilang fans ang excited na sa muling pagpapalabas ng Stairway to Heaven ngayong Lunes, May 18.

Wika niya, "Sigurado po talagang matutuwa silang lahat. Kasi, everytime lagi ko silang nakikita sa mga ano ko e comments talagang 'di mawawala."

LOOK: Kilig photos of Joshua Dionisio with his girlfriend